Poll of the Random Day/Week/Month: Most Unforgettable Character/s
Wednesday, September 30, 2009
Kabanata Labing-isa: Bonakid, Batang May Laban by Pong
Nakatambay na naman kami sa Prontera at pinagkukwentuhan ang nangyari sa EB.
"Ano ulit ung sabi Pong? Payless" tanong ni Dok sa akin.
"Haha narinig ko din un" sabi ni Ned.
"Sayang di ko narinig" panghihinayang na sabi ni Saki dahil nagCR silang dalawa ni Caz nung sinasabi iyon.
Matapos ang mga chismisang walang kwenta ay biglang dumating si Erik. Nagkayayaan kaming magBiolabs at ito'y narinig ng isang merchant na nagngangalang Biokid.
"Magbabiolabs kayo?" tanong ni Biokid.
"Oo" sagot ko sa kanyang tanong.
"Pwede ba sumama? Bio gagamitin ko" tanong ni Biokid.
"Oo pwede" dali-daling pagsang-ayon ko dahil Bio ang gagamitin niya.
"Sige andun na Bio ko sa Lights" sabi niya sa amin.
Agad akong gumawa ng party na ang pangalan ay "Batang May Laban" at agad isinali sina Dok, Erik, Freya at Saki. At kami ay naghintay ng warper......
....
Makalipas ang tatlumpung minuto.
"Akala ko ba magbabiolabs tayo" sabi ko sa kanila.
"Oo nga naghihintay tayo ng magwawarp sa atin eh" sabi sa akin ni Freya.
"Ay walang mangyayari sa atin dito" panggigising ko sa kanila.
At napagpasyahan naming tatlo nina Dok at Erik na pumuntang Lighthalzen at kukuha ng warp si Erik para sa mga tamad na sina Saki at Freya. Agad kaming nagtungong Izlude at dito na sumakay ng Airship (Tipid kaya dito di ka na ulit magbabayad para sa biyahe sa Lighthalzen)
Makalipas ang ilang saglit ay nakarating na ng Juno ang Airship at kami'y nagsibaba na (Dahil dito ang stop over namin bago ang flight sa Lighthalzen). Dali dali kaming lumabas at pumasok na para sa biyahe sa Lights ngunit si Erik ay lumabas ng tuluyan at nagbayad pang muli para sa biyahe sa Lights.
"Bakit ka pa lumabas eh pwede mo ng kausapin tong isang NPC?" sabi ko kay Erik.
"Haha hindi ko alam eh" dahilan ni Erik.
At kami'y pumasok na ng Airship at umupo muna dahil papunta pa lamang ito ng Hugel. Nagmuni-muni muna kami.
"Tae Erik ayusin mo na ah baka lagyan mo na naman ng Pneuma ung Sniper" pagpapa-alala ko kay Erik.
"Haha bakit nilagyan ng Pneuma ni Erik?" tanong ni Dok.
"Para di mamatay, kakampi niya kasi eh" sagot ko kay Dok.
We are heading to Lighthalzen
"Haha hindi na iyan, tignan mo" pagmamalaking sabi sa amin ni Erik.
We are now in Lighthalzen
Sabay nadisconnect si Erik at kami'y bumaba na ni Dok sa Lighthalzen habang nagtatawanan.
"Haha nadc maiiwan yun" sabi ko kay Dok.
"Oo, tapos iikot na naman haha" sabi ni Dok sa akin.
Maya maya ay nagbalik si Erik.
"Tae nadc naiwan ako" sabi sa amin ni Erik.
Nagtawanan kami ni Dok at sinimulan ng maglakad papuntang savepoint at agad nagsave. Matapos ay nagpalit muna kami ng char para tumambay sa Prontera at sabihin kela Saki at Freya ang sinapit ni Erik.
Natawa ang dalawa sa sinapit ni Erik. Hindi nagtagal ay narating din ni Erik ang Lights at nagsave na dito at sinundo na sina Saki at Freya.
"Asan na si Bonakid?" tanong ko.
"Ewan andito lang daw eh" sagot sa akin ni Freya.
"Wala na siguro yun ang tagal ba naman nating nakatambay sa Pronts eh" sabi ko.
At sinimulan na naming tahakin ang Biolabs level 3. Pagkapasok namin ay naghintayan muna. Maya maya ay lumabas si Biokid gamit ang kanyang Biochem na nakasali sa ibang party.
"Ganda ng party name niyo ah" bati sa amin ni Biokid (Pwede tawagin na lang nating Bona).
"Oo inalay ko pa man din tong party name para sa'yo tapos sasali ka lang pala sa iba" sabi ko sa kanya.
"Ang tagal niyo kasi, sumali na tuloy ako sa iba" dahilan sa amin ni Bonakid (Oo nga naman, tae kasi naghintay ba naman ng warper).
At kami'y nagpalevel na kahit wala si Bonakid dahil andito naman si Dok gamit si Inocencia Binayubay. Maya maya ay may isinali akong Bio ngunit hindi ito nagtagal at agad ding nagleave. Maya maya ay sumunod si Dem gamit ang kanyang High Wizard habang mag-AAFK naman si Erik at pinapilot kay Saki ang kanyang Dream~On.
"Sak, pilot mo nga muna to saglit may gagawin lang ako" mungkahi ni Erik kay Saki.
"Okay" pagsang-ayon ni Saki ng walang pag-aalinlangan.
"Ito user ko hampaslupa at password counter" bulong ni Erik kay Saki (Di ko man nais isiwalat ang username at password mo dito Erik pero para ito sa ikabubuti ng kwento, maya maya lang hack ka na hahaha).
Agad nilog-in ni Saki ang character ni Erik at maya maya ay nag-AFK na din. Dahil sa kami'y pinapahirapan na ng mga halimaw sa Biolabs at walang HP ay naisipan na naming itigil na lang ang kalokohang ito at tumambay at magmeryenda.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment