Poll of the Random Day/Week/Month: Most Unforgettable Character/s

Monday, September 28, 2009

Kabanata Walo: Check the Label by Pong

Kasalukuyan akong walang internet at ako'y nalulungkot ng biglang nagtext sina Caz at Saki at tinanong kung bakit hindi ako nag-oonline. Kaya nireplayan ko sila na wala akong net at nanonood ako ng TV na sa sobrang dami ng commercial ay nakakabisado ko na ang mga ito. 


"Haha minsan naghihide sila, sabi ni daddy.. sa susunod pong baka ang marinig ko na sa'yo ay lactum ang katuwang nating mga ina sa pagpapalaki ng mga bata" text sa akin ni Saki. 


"Subukan mong manood sobrang dami kayang commercial. It pays to check the label" reply ko kay Saki. 


"Haha tae mo Pong Nido un" text ulit ni Saki. 


"Anong Nido, Nesvita kaya un" pagkokorek ko sa text ni Saki. 


"Nido kaya un, un pa nga ung babae na nasa Grocery Store eh" text ni Saki na ginigiit na Nido un. 


"Nesvita kaya un. Oo ung nasa Grocery Store si Jean Garcia pa nga un eh tapos pinapaliwanag niya ung laman nung gatas" reply ko kay Saki na ginigiit na Nesvita un. 


Nagtalo kami sa bagay na un at nagpalitan ng maraming text messages. (Isipin mo Smart ako nun at Globe si Saki ha) 


Walang nagpatalo sa amin at pinanindigan ang aming paniniwala at nanood na si Saki ng Barbie habang ako'y natulog na. 


Kinabukasan, habang ako ay nasa banyo ay narinig ko ang commercial ng Nido at biglang nagsabi ung babae sa huli na "It pays to check the label". Agad kong naalala ang pagtatalo namin ni Saki tungkol sa check the label. Maya maya ay may patalastas na naman na Bear Brand na may check the label din. 


Agad kong kinuha ang cellphone ko para itext si Saki tungkol sa aking natuklasan at may new message din ako galing kay Saki. 


"Tae Pong nakita ko na ung Nesvita" text sa akin ni Saki na pinaniwalaan na ang paniniwala ko. 


"Oo Sak nakita ko na rin ung sa Nido may bonus pang Bear Brand" pagsang-ayon ko sa paniniwala ni Saki tungkol sa Nido. 


At dito namin napagtanto na pareho pala kaming tama. Anong saysay ng pagtatalo namin nagsayang lang kami ng load.

No comments:

Post a Comment