Poll of the Random Day/Week/Month: Most Unforgettable Character/s

Sunday, October 4, 2009

Kabanata Labing-dalawa: Ang hiwaga by Pong

Nag-instant message si Saki sa akin sa YM. 


"Pong, sinabi ko kay Nikka na nahack ako" sabi sa akin ni Saki. 


"O?" sabi ko kay Saki. 


"Alam mo kung ano sabi niya" sabi ni Saki. 


"Hindi" tanggi ko. 


"Hala... ayan sabi niya Pong. Mukhang siya nga ang naghack" hinalang sinabi sa akin ni Saki (At hindi na muli pang nagpakita sa amin si Nikka). 


"Ahh" pagsang-ayon ko sa kanya at ako'y nagRO na ulit. 


Kasalukuyan akong nasa BG at cooldown pa din kaya ako'y lumabas muna ng Prontera at nakita sina Freya at Erik. 


Kami ay nagkwentuhang tatlo at maya maya ay naisip ko na magBG. 


"BG na ulit ako" paalam ko sa kanilang dalawa. 


"Teka paano ba yang BG? Sama nga ako" sabi ni Erik sa akin. 


At kaming dalawa nga ay nagBG na at iniwan si Freya na nag-iisa sa Prontera at ito'y tumulala. 


Nakailang rounds kami ni Erik dito hanggang sa tumawag si Freya sa aking cellphone at ako'y nahiwagaan. 


Sinagot ko ang kumikiriring na aking phone at napagpasyahan ng itigil ang pagBBG. 


"Hello" bati ko. 


"Oh hello! Si Erik?" tanong ni Freya. 


"NagBBG pa" sagot ko kay Freya. 


At tinawagan ni Freya si Erik ngunit ito'y binaba ni Erik (Nagmamaganda ha). Nag2nd attempt si Freya ngunit sadyang nagmamaganda si Erik at agad ulit itong binaba (Syempre BG muna bago kaibigan). 


Sobrang inis si Freya na nagreklamo sa amin dahil binababa ni Erik ang kanyang tawag. 


"Okay na sana ung isa eh kaso binaba pa nung pangalawang beses" reklamo sa amin ni Freya. 


"Haha tawagan mo na lang mamaya" mungkahi ko sa kanya. 


Hindi nagtagal ay nagsawa na rin si Erik na magBG at nagsimula ng magpatawag. 


"Tae mo Erik bakit mo binababa kanina?" tanong ni Freya na may halong inis. 


"NagBBG kasi ako eh" sagot ni Erik. 


"Tama ba naman yun" sabi ni Freya kay Erik na hindi tinatablan ng kahit ano. 


Maya maya ay naiba na rin ang usapan hanggang sa humantong na nagsipagsalita ng English ang mga ka-Unyt na sina Saki, Neds at Freya. 


Nagsalita rin ako ngunit hindi nila naintindihan at nagtawanan. Kaya ako ay nanahimik na lamang habang sila ay humihingi ng paumanhin. Agad kong kinuha ang aking charger at chinarge ang cellphone at binaba muna ito sa lapag. 


Makalipas ang tatlumpung minuto at panibagong tawag na ulit ay agad ko itong sinagot. Humihingi pa rin sila ng paumanhin ngunit nanatili pa rin akong hindi umiimik. 


"Sorry na Pong! Sorry na Pong! Sorry na zzzZZZ" paghingi ng paumanhin ni Saki sa akin at biglang nakatulog. 


"Huh! Anong nangyari dun?" tanong ni Freya dahil biglang tumahimik. 


"Malay ko nagsosorry lng eh biglang nawala baka nakatulog na" sagot ni Ned. 


Nagtawanan sila hanggang mapagpasyahan na din ni Ned na matulog. Natira na lang sina Erik at Freya. Hindi nagtagal ay nagsalita na rin ako. 


"Bakit tahimik ka Pong kanina?" tanong ng nag-aalalang kunwari na si Erik. 


"Nagalit ka?" tanong ni Freya. 


"Oo, pero wala na" tugon ko sa kanilang katanungan. 


Kami ay nagkwentuhang tatlo. Hanggang sa maya maya ay kumanta si Freya na ang pamagat ay (Teka bakit kailangan ko pa ilagay ung pamagat eh hindi ko nga alam ung kinanta niya nun eh). 


Nanahimik lamang kaming dalawa ni Erik at nagconcentrate sa pakikinig. 


Maya maya ay natapos na ni Freya ang kanta at kaming dalawa ni Erik ay nahiwagaan sa aming narinig (Kayo rin mahihiwagaan walang halong biro. Promise kahit tumalon pa si Spiderman sa building). 


At napagpasyahan na ni Freya na maligo dahil may pasok pa siya. Iniiwan kami ni Freya ngunit kami'y nagpasya ng matulog ni Erik (Lokong Freya iwanan ba daw ung dalawang lalaki sa phone). 


Kinabukasan pagkaonline ko sa Ragnarok ay agad kong nakita si Erik. 


"Pong! Tae kanina sabik na sabik ako magBG mga ala una pa lang andun na ko, alam mo kung ano meron?" sabi sa akin ni Erik. 


"Walang tao" sagot ko sa kanya. 


"Oo tae" asar na sabi ni Erik. 


At kami'y nagtungo na ni Erik sa BG dahil hapon na nitong mga oras na to kaya may tao na. Pagkalipas ng ilang oras ay nagsawa kami at naisipang tumambay sa Prontera. 


Dito ay nakita namin sina Freya at Mayk na magkatabi at kami ni Erik ay nagpaparinig tungkol sa hiwagang aming natuklasan. Maya maya ay lumipat ng pwesto ang dalawa. 


Pumwesto si Erik dun sa may malaking kariton sa Prontera na paboritong pwesto ni Freya. 


"Ang hiwaga" nasabi niya ng walang pag-aalinlangan. 


"Tae Pong pwesto ka dito mahihiwagaan ka rin" alok ni Erik sa akin at agad akong nagtungo. 


"Ang hiwaga" nasabi ko out of nowhere dahil sa sobrang hiwaga ng lugar na iyon. 


Natawa si Mayk sa aming ginawa habang tinatadtad kami ng tae ni Freya. Ang hiwaga talaga eh.

No comments:

Post a Comment