Poll of the Random Day/Week/Month: Most Unforgettable Character/s

Wednesday, September 23, 2009

Tropang Tunay: The True Prologue by Pong

Babala: Ang mga mababasa ninyo ay bitin ang mga ending at hindi continuous kaya wag ka magtaka kung iba na ang mababasa mo sa susunod. Ito ay parang diary lang ng mga Tropang Tunay. Oops san ka pupunta? Wag ka lumayas. RESISTANCE IS FUTILE.

Babala para sa mga Non-Ro Players: May mga bagay na maselan na hindi niyo alam na angkop lamang sa piling tao - Ayon kay Erik.

Tiyak na hindi lang kayo makakarelate kaya kung ako sa inyo tutal andito na rin lang kayo basahin niyo na rin. Wala ng marami pang arte ha! RESISTANCE IS FUTILE.



Prologue

"Miss, pwede ko bang makuha YM mo at Friendster?" tanong ni Erik kay Freya.

"Sige ito nga pala ang YM ID ko at email add sa Friendster tagasupilngbaldado@yahoo.com (Hellokitty dapat ilalagay ko kaso napagtanto ko YM pala)" walang pag-aalinlangan binigay ni Freya kay Erik.

Nang makuha ay agad inadd ni Erik sa YM contacts at Friendster niya si Freya. Nabighani siya sa kagandahan ni Freya (Aaahhh arrghh anak ng tipaklong di ko masikmura itong tinatype ko). Agad bumalik ng RO si Erik at nakita si Joey at Neds at nagpalakad siya sa mga to. Pinakilala naman nina Joey at Neds subalit walang nangyari hanggang sa nakita ni Erik si Botter na tigabot niya.

"Jay, kilala mo ba si Freya?" tanong ni Erik kay Botter.

"Oo, bakit?" sagot at tanong ni Botter (Gulo noh, walang pakialamanan)

"Pwede bang ilakad mo ako dun?" pabor ni Erik kay Botter.

Gustuhin ko man itype dito ang reaksyon ni Botter kaso di ko kaya eh kayo nang bahalang humusga.

At doon nalaman ni Erik na si Freya at Botter pala ay magkapatid.

No comments:

Post a Comment