Poll of the Random Day/Week/Month: Most Unforgettable Character/s

Wednesday, September 23, 2009

Kabanata Dalawa: Viniel, ang magiting na mandirigma at ang misteryong bumabalot sa Hugel by Pong

Wala na kaming pambili ng bote para ipagpatuloy pa ang pagpapalevel sa Biochemist ni Saki kaya kaming dalawa ay namalagi na lamang sa Prontera at dating gawi tumambay kasama sina Caz at Freya. Maya maya ay mayroong lumapit sa aming isang Assassin at nakipagkilala.

"Ako nga pala si Viniel, magpapalevel ba kayo? Baka pwede nyo naman akong ileech" tanong ng kaawa-awang siya.

"Oo, basta sagot mo ang bote" sagot na may halong pagkaoportunista na si ako.

"Sige, maghintay lang kayo dito ha bibili lang ako ng bote" pagsang-ayon ni Viniel sa aking iminumungkahi.

Nagalak kami ni saki sa mga pangyayari dahil nakauto kami. Buti na lang at makakatipid kami sa pagpapalevel ng kanyang Biochemist. Ilang saglit pa ay dumating na si Viniel at ibinigay na sa amin ang bote.

"Heto na ang bote" iniabot ni Viniel kay Saki ng walang pag-aalinlangan.

Binigay ni Saki sa aming dalawa ni Viniel ang mga Dragon Parts na siyang susi sa pagbubukas ng Abbys Dungeon. Pagkatapos ay agad akong nagcast ng Warp Portal papuntang Hugel Field at iniwan namin sina Caz at Freya sa Prontera (Sana hindi makahalata ang dalawa na extra lang sila). Nagkasundo kaming magtele at magkita kita sa malapit sa insertan ng Body Parts. Tele lang ako ng tele hanggang marating ko ang gitna (Ganun talaga pati iyon kailangan tipirin) at binuksan na nga nina Saki at Viniel ang portal papasok sa Dungeon. At kami'y nagsipasok na at nagkasundo ulet na magkita kita bago pumasok ng level 3.

Teleport !! Teleport !! (Ayaw ko na lagyan ng sound effects) Hanggang sa narating namin ang tagpuan.

"Whew, ayos lang ba kayo?" tanong sa amin ni Viniel na may halong pag-aalala (Sana ganito talaga ang mga pangyayari)

"Syempre naman kami pa" sagot namin ni Saki na may halong pagyayabang.

At kami'y pumasok na sa level 3. Dating gawi Lex, AB, Lex, AB na naman napakaboring talaga.

"Woooh! Green Ferus Card" sigaw ko kahit wala naman.

"Ano yun? Akin na lang" nagtatakang tanong ni Viniel na may halong pagkagahaman (Tanga lang ang nagtataka)

"Wala yun, masyado lang naexcite si Pong sa mga pangyayari" sagot ni Saki.

Matapos ang ilang oras na pagpapalevel sa Dragons ay napagpasyahan na naming umuwi sa Prontera kaya ako ay nagcast na naman ng Warp Portal patungo sa aming destinasyon.

"Salamat sa leech" pagkalugod na sabi sa amin ni Viniel.

"Ayos lang yun paleech ka ulit sa amin next time basta sa'yo bote" sabi ko.

Nagpalit kami ng gamit na character ni Saki. Biglang dumating si Erik ng mga tagpong iyon at nakipagkilala siya kay Viniel. Ako naman ay gumawa ng party para sa amin nina Saki, Caz, Freya, Mayk at Erik ng biglang.

"Viniel iboboost kita at babayaran pa kita ng 20m maboost lang kita, tropang tunay naman tayo eh" mungkahi ni Erik kay Viniel.

Walang reaksyon si Viniel.
"Viniel iboboost kita at babayaran pa kita ng 20m maboost lang kita, tropang tunay naman tayo eh" muling mungkahi ni Erik kay Viniel pero nanatiling walang reaksyon si Viniel.

"#@%*$&@#$ ka Viniel ang #@%#$ mo Viniel, kung nababasa mo lang sana tong mga pinagsasabi ko sa'yo" bulong sa amin ni Erik.

"Viniel iboboost kita at babayaran pa kita ng 20m maboost lang kita, tropang tunay naman tayo eh" muling mungkahi ni Erik kay Viniel subalit nanatili pa ring walang reaksyon at naglog-out pa.

Ayun at nagAFK muna si Erik at pinafollow nya ang character niya sakin.

"Ano ba to sunod ng sunod" sabi ko sa sarili ko.

"Sak, warp ka nga sa Hugel" utos ko kay Saki.

Pinagbigyan naman ako ni Sak at nagcast sya ng Warp Portal patungong Hugel at pinashoot ko ang character ni Erik sa portal.

"SHOOT!" tuwang tuwang sabi ni Saki.

"Hahahaha" tawa ko.

Makalipas ang limampung minuto.

"Anong ginagawa ko dito sa Hugel?" nagtatakang tanong ni Erik. (Tanga lang ulit ang nagtataka)

No comments:

Post a Comment