Habang kami'y nangongolekta ni Saki ng Dragon Parts sa babang portal ng pasukan ng Abbys Dungeon ay biglang nakagat ako ng Geographer.
"Walang Geographer. Minsan naghihide sila!. Sabi ni Daddy.. (Panoorin niyo na lang ung commercial ng Colgate)" sabi ko matapos akong kagatin ng Geographer na nakahide in between bushes.
"Anong pinagsasabi mo Pong?" tanong ni Saki sakin na mistulang nawiwirduhan.
"Commercial kaya ng Colgate yun" pagmamalaki kong sagot.
Nang makarami na kaming Dragon Parts ay agad kaming bumalik ng Prontera at nakita namin si Charmagne na naghahanap ng leecher sa Biolabs.
"Ate, sagot mo po ba bote?" tanong ko na wala ng patumpik-tumpik pa.
"Oo akin bote" sagot ni Charmagne.
At agad na ngang binigay ni Charmagne ang bote sa amin ngunit hindi pa siya pwede sa Biolabs kaya kami'y nagDragons muna hanggang mapalevel 95 siya.
Bumalik kaming Prontera at nakita namin sina Erik at Freya na nakatambay kaya niyaya naming magBiolabs. Agad namang pumayag ang dalawa at naghanda ng sumabak sa matinding aksyon sa Biolabs.
"Nakakainis naman tong monitor ko sakit sa mata" reklamo ko sa kanila habang papunta kaming level 3 ng Biolabs.
"Bakit anong meron sa monitor mo?" tanong ni Freya sa akin.
"Kulay regla kasi" matinong sagot ko sa kanyang tanong.
"Tae ang dami dami mong ikukumpara sa regla pa, pwede namang mansanas" reklamo sa akin ni Freya.
"Hindi iba kaya kulay ng mansanas. Ito talaga pag tinitigan mo reglang regla talaga eh" pagkukumbinsi ko kay Freya na ayaw makumbinsi.
Pagkabuffs sa amin nina Saki at Erik (Na kahit sarili lang niya ang kanyang binuffs) ay agad na kaming nagtungo sa level 3.
Masaya kaming nagpapalevel dito sa Biolabs ng gumawa si Erik ng puro kapalpakan. Hanggang sa makita ko si Cecil Damon at binato ko kaagad ng Acid Bomb habang nagmamadaling nilagyan siya ng Pneuma ni Erik at tumataginting na "Miss! Miss! Miss! Miss! Miss! Miss! Miss! Miss! Miss! Miss!" ang aming nakita. Hindi tumama ang Acid Bomb dahil sa Pneumang nilagay ni Erik.
"Kakampi mo?" tanong ko kay Erik na asar na asar.
"Tae mali Lex Aeterna dapat kaso Pneuma napindot ko" dahilan ni Erik habang natataranta.
Hindi nagtagal ay nasharpshoot kaming lahat ni Cecil at kami'y nasawi. Agad kaming bumalik sa loob para makapaghiganti ngunit para lamang mamatay ulit. Nakipagsapalaran si Saki hanggang maresu niya si Erik kaso siya ang pumalit. Nagpaparesu kami kay Erik ngunit masyado siguro siyang namangha sa Biolabs kaya hindi man lamang ito gumalaw hanggang sa mamatay din siya.
"Langyang Erik nakatunganga lang" reklamo naming lahat sa kanya.
"Sorry hindi ko alam gagawin eh" dahilan ni Erik.
Napagpasyahan na lang naming itigil ang kalokohang ito at tumambay na lang sa Prontera.
Dito ay nilalandi ni Erik si Charmagne nang biglang magreklamo sa amin.
"Tae di ako pinansin ni Charmagne" bulong sa amin ni Erik.
"Hindi ka kasi marunong, tignan mo ko ha" pagmamalaking bulong ko kay Erik at agad linapitan si Charmagne.
"Ate Char" sabi ko.
"O?" sagot niya.
"Ember Attack" sabi ko habang umaasa na bubugahan niya ko ng apoy.
Nagtawanan sina Saki, Erik, Freya at Caz na kasalukuyan ding nakatambay ng tagpong iyon. Si Charmagne ay hindi natinag mukhang hindi ata nagets kaya napagpasyahan kong gamitan pa ng isa.
"Ate Char" 2nd attempt ko.
"O?" sabi niya ulit.
"Fire Blast" sabi ko at umasang magagalit na.
Muling nagtawanan sila Saki. Ngunit sadyang mahina ata talaga ang pang-unawa ni Charmagne hanggang sa nagbalak gumanti.
"Lunar" sabi sa akin ni Charmagne dahil ang gamit kong character ay si Lunar Princess Krisha.
"O?" ginaya ko lang ang sinasabi ni Charmagne.
"Misty Wind" sabi niya.
Nagulantang ako sa sinabi ni Charmagne hindi ko alam na meron palang ganoong Pokemon. Hanggang pinagtripan niya na rin sina Saki ngunit sadyang nakapagtataka talaga hindi naming lubusang maisip na mayroong ganoong Pokemon. Hanggang sa makornihan na si Erik sa pinagsasabi ni Charmagne hindi nagtagal ay nagpaalam na rin kami para matulog.
No comments:
Post a Comment