Poll of the Random Day/Week/Month: Most Unforgettable Character/s

Wednesday, September 23, 2009

Tropang Tunay True Story | Kabanata Isa: Ang Inkwentro by Pong

Nagtungo ako sa Prontera para tumambay. Hindi ko man naisin tumambay sa lugar na ito ay wala akong magagawa dahil dito ka lamang makakakita ng tao.

Nakita ko ang aking kaibigan na si Heneral Saki na nakatunganga. Siya rin namang nakita ako at lumapit sa akin.

"Pong, tara palevel" pag-aanyaya ni Saki sa akin. Hindi pa ako nakasagot ng may biglang lumapit sa aming High Acolyte. Nakaramdam ako ng isang aura ng panlalamang na bumabalot sa taong ito.

"Isama niyo naman ako sa inyong pagpapalevel. Magbibigay ako ng bote" sabi ng High Acolyte na may nakasulat sa paanan nyang Dream~On.

Nang marining ko ang salitang bote bigla akong ginanahan magpalevel, naramdaman kong dumadaloy ang dugo sa aking mga ugat

"Sige isama na natin yan Sak, magdodonate daw sya ng bote eh" bulong ko kay Saki na may halong kagalakan. "Sige sumama ka na" pagsang-ayon ni Saki sa kahilingan ng High Acolyte.

"Ako nga pala si Erik, pwede ko bang mahingi ang ym nyo?" walang pag-aalinlangan nyang pabor sa amin.

Binigay ko naman ang aking YM ID dito kay Erik (Sa wakas naitype ko na rin name nya kakapagod kaya itype ung High Acolyte, subukan mo pa) at gayundin naman si Saki.

Matapos magbigayan ng YM ID at magkakilanlan ay agad akong gumamit ng Warp Portal papuntang Audhumbhala Grassland. (Wag niyo ko sisihin kung wrong spelling, malay ko kung paano spelling nun) Pagkalapag namin sa lugar na iyon ay may tumambad sa aming kweba at ito'y aming pinasok. Sa loob ng kweba sumalubong sa amin ang Siroma pero hindi ito ang pakay namin kaya sinimulan na naming magteleport hanggang marating namin ang level 3.

Teleport !! Teleport!! kaching kaching. (Alam kong hindi ganyan ang sound effect nun wag ka magreklamo ha, ikaw ba ang nagsusulat nito? Ha! Ha!)

Sa wakas at narating na namin ang level 3 ng kuweba. Biglang sumalubong sa amin ang mga dambuhalang Ice Titan pero isang Lex Aeterna at Acid Bomb lamang ang mga ito. (Wag kang magsasabi na 1 hit AB lang yun ha! Heller low level pa lang kaya at wag ka rin magsabing meron namang food buffs, sorry ka wala kami pambili!)

Higit kumulang isang oras na kami sa level 3 ng Ice Dungeon at gantong eksena ang inyong masasaksihan lakad, Lex, AB, lakad, Lex, AB, buffs, lakad, Lex, AB. Isipin mo halos isang oras kaming ganyan lamang ang ginagawa, ganyan talaga kaboring ang paglalaro ng Ragnarok. Sa sobrang bored ko ay nagpaalam na ko sa kanila.

"Kayo na muna ang magpalevel dito at ako'y magsosolitaryo muna" paalam ko sa kanilang dalawa na walang katotohanan.

"Oh sige Pong, galingan mo" pagpapalakas ng loob na sabi sa akin ni Saki.

At ako'y nagwarp na pabalik ng Prontera. Dito naglakad lakad ako subalit wala akong kilalang mga tao at naisipan kong tumulala na lang (Akalain mo naiisip pala un).

No comments:

Post a Comment