Poll of the Random Day/Week/Month: Most Unforgettable Character/s

Wednesday, September 23, 2009

Kabanata Lima: Nameless Island Quest by Pong

Dahil sa kaboringan sa Prontera ay nagdesisyon si Saki na magquest na lamang tulad ng dati naming ginagawa.




"Tara Pong quest na lang tayo ng Nameless" pag-anyaya sa akin ni Saki.

"Tara, paano ba yun?" pagsang-ayon at tanong ko.

"Kailangan matapos mo muna ung Curse of Gaebolg, Rachel Sanc at Veins Siblings quest eh" sagot ni Saki.

"Ahh ganun ba" sabi ko.

At agad kaming nagtungo sa right side ng Prontera para bungguin ang bata gamit ko ang Whitesmith ni Caz (Mala taguro pa man din to, kaya para itong bulldozer na sinagasaan ang bata). Sa kabilang banda ay napagpasyahan nina Dok at Nikko na sumama.

Ganun na nga pinapunta kaming Juno at pinapunta kaming Morroc at pinapunta pa kaming Geffen. (Tae nakakatamad isalaysay ha) Dito sa Geffen ay may pinapatype na tula something sa amin.

"The swallow of the serpent swallow the sea" sabi ko.

"The jaguar and the bear are playing" sabi naman ni Dok.

"The turtle eats the earthworm. And it slowly died" sabi ko ulit.

Sa di inaasahang pagkakataon ay pinagtatype ni Nikko dun sa bar ang mga pinagsasabi namin at tenen tumataginting na mali. (Kung gusto ninyong malaman ang tamang tinatype dun, aba magsearch kayo hindi kaya ito guide. Duh!)

Dahil sa ... aba ifast forward na natin ang boring eh. Isipin niyo na lang natapos na namin ung Curse of Gaebolg at Rachel Sanctuary Quest.

Nakarating kami sa Veins at may pinapahanap itong bata ung kapatid niya na naiwan sa Thor Volcano (Grabe nangamba ako ng malaman kong kailangan naming makipagsapalaran sa Thor Volcano). At kami nga ay nagtungo na sa Thor Volcano nanghiram pa ko ng Ifrit armor kay Doklengs na siya namang pinahiram sakin.

Sinimulan na naming magtele tele. Ayun malapit na ko sa level 2 kaya ito'y aking nilakad ng biglang may isang sibat na mabilis na pumaparating sa akin at ako'y natuhog (Repeat this 5 times).

Sa tagal ay narating ko rin at nakausap ko ang bata at ako'y nagbalik na ng Veins at akalain mo kailangan ko na naman pala bumalik sa Thor Volcano at alam niyo na kung anong nangyari ulit (Hindi mo alam? Pasensya ka akala mo ba tigabasa ka lang dito aba dapat nag-iisip ka rin ano. Ano ka sinuswerte magbabasa ka lang ha!).

Mga apat na beses ata bumalik sa Thor Volcano at tumataginting na 30% ata ang nalagas sa experience ng Whitesmith ni Caz. Ako ang pinakahuling natapos, ay hindi si Nikko pala.

Nang matapos namin ay agad na naming sinimulan ang quest sa Nameless at fast forward natin ng kaunti. Ayan na at nasa Veins na kami ng may makita kaming nakatiwangwang na NPC.

"Nikko, tignan mo may sabog dito" pinapapuna ni Dok kay Nikko at agad niya itong linapitan.

"Ano ka sabog, Ulol!" sabi ni Nikko sa nakatiwangwang na NPC.

"Ulol!" "Ulol!" "Ulol!" "Ulol!" "Ulol!" "Ulol!" "Ulol!" "Ulol!" iyan ang karaniwang mababasa mo habang kami ay naglalakbay. Hanggang sa kailangan na naming pataihin ang Camel nagbitbit kami ng sandamukal na jellopies, green herbs at gatas. Hanggang sa napatae na namin at kahulihulihan ulit nakatapos si Nikko.

At ito na nga pinasok na namin ang Nameless Island.

"Walangya kinakabahan ako ha" sabi ko sa aking mga kasama.

"Ayos lang yan galingan natin" pagpapalakas ng loob na sabi ni Dok.

"Ano game na ba?" tanong sa amin ni Saki.

"Tara" sagot naming lahat at nagsipasok na.

Habang naroroon ako sa bahay ay mga sumalubong sa aking mga Zombie Slaughter pero pinagkacart ram ko lang ang mga ito at sila'y aking napatay at ako'y nagtungo na sa Nameless Island night mode.

Tatlo pa lang kami nina Saki at Dok sa Nameless Island night mode at hinihintay namin si Nikko sa sobrang tagal ay naisipan kong mag Alt + Z at nakita kong hindi online sa party si Nikko. Maya maya ay nagtext siya kay Dok at nasira daw ang Hard Drive ng kanyang PC. Kaya napagpasyahan naming magpatuloy na lang kahit wala si Nikko.

Nang marating namin ang isang simbahan at ito'y aming pinasok sa loob nito ay may mga Banshee na sumalubong sa amin at kami'y nagsitele at nagkasundo magkita kita malapit sa portal. Ngunit sadyang mahirap pala ang pagpunta dito meron pang dalang Token of Ziegfried sina Saki at Dok samantalang ako ay wala at palaging humihilata. Sa isang napakatinding pakikipagsapalaran sa Banshee ay narating din namin ang level 2 at dito'y mayroon kaming nabasang libro"

"Pagtapos niyo na basahin tara na sa level 3" sabi ni Dok at biglang nagtele.

Nagtele na rin si Saki kaya wala akong nagawa kundi magtele na rin. Napasok agad ni Dok ang level 3.

"Ingat sa entrance ng level 3 daming Necromancer" pagpapaalala ni Dok sa amin.

Ginawa ko ang lahat pero sadyang napakarami ng Zombie Slaughter at Necromancer kaya ako ay napapatele na lamang ulit at gayundin naman si Saki. Si Dok naman ay kasalukuyang may sinasagupang halimaw (Hindi ko alam kung anong itsura di ko pa kaya nakakasagupa. Duh!) at ito'y kanyang natalo at tinapos na ang Nameless Island Quest.

Nainggit ako. Hindi nagtagal ay nakapasok din ni Saki ang level 3 habang pinipilit kong makapasok. Nang matiyempuhan ko na ay agad akong sumugod ngunit nakagat ako ng isa pero nagpatuloy pa rin ako sa paglalakad hanggang sa dumami na ang kumagat sa akin at ako'y namatay (Sayang kaunti na lng un na ang portal eh as in isang cell na lang).

"Tae nadeds pa paresu ako dito, mababugged na ko" sabi ko kanila Saki at Dok habang sinasagupa ni Saki ang nakasagupa ni Dok kanina.

Hindi nagtagal ay natapos rin ni Saki ang quest habang ako naman ay..

You have been disconnected due to time gap between you and the server.

Asar na asar ako habang naglalog-in.

"Wala na bug na to di na makakapasok sa Night Mode" sabi ko na may pagkadismayado.

Tinawanan pa ko nina Saki at Dok ng biglang naglog-out si Saki dahil dumating ang kanyang Kuyang nakakasindak. Napagpasyahan namin itesting pumasok ni Dok sa Nameless at nakapasok ako naayos na pala nila yung bug, sayang lang at kinabahan pa kami na baka mabug. Sana hindi na kami nakipagsapalaran sa loob.

No comments:

Post a Comment