Kasalukuyan kaming nakatambay sa Prontera nina Erik, Dok at Well. Pinabasag ni Erik ang 100 pcs niyang Healing Staff kay Dok na itatago natin sa tawag na Ice Pick.
At sinimulan na ni Dok ang pagrerefine *Clang* *Clang*. Nakabuo si Dok ng 38 na +7 at nagpahinga muna saglit.
Maya maya ay tinuloy na ni Dok at siyam lang ang na +8. Binalak niya hanggang +9 ngunit nabasag ang lahat maliban sa isa. Huminga muna ng malalim si Dok at agad ding pinalo at pumasok ito sa +9.
"Ayun isa lang ang +9" sabi ni Dok.
"Ano yan?" Tanong ni Well.
"Ice Pick" sabay na sabi nina Dok at Erik.
Natahimik ang lahat habang ipinapanalangin kong mabasag ang kaisa-isang +9 Healing Staff este Ice Pick ni Erik. Maya maya ay napagdesisyunan ni Erik na ipaplus ten na. Agad tumabi si Erik ng gumamit si Dok ng Magnifier Bug sabay pinalo. Laking gulat naming lahat ng ma+10 ang Healing Staff este Ice Pick ni Erik.
"HAHAHAHAHAHA" tawa ni erik na sa sobrang saya ay mistulang nanalo sa lotto.
"Ginamitan ko pa ng Magnifier Bug" pagmamalaking sabi ni Dok sa akin.
"Tae pumasok" sabi ko na nadismaya.
Maya maya ay napagpasyahan ng matulog ng lahat ngunit sinabi ni Dok na magpunta muna akong Morroc at may ipapapasa siya. Hindi rin ako nakapuntang Morroc kaya siya na rin ang nagpasa sa sarili niya gamit ang Dual Log-in na Hex. At ako ay naglog-out na at iniwan sa gitna ng tambayan ang Biochemist ni Saki na aking gamit gamit.
Kinabukasan ay muli kong nilog-in ang Biochemist ni Saki. Habang nasa character screen ako ay aking napansin na wala itong suot na Feather Beret at agad kong pinindot ang enter. Pagkalog-in ko ay nakapwesto ang Biochemist ni Saki sa pub ng mga mayayamang nilalang sa RO kung saan dito sila nangangalakal.
Agad kong pinindot ang Alt+Q at laking gulat ko na nawawala ang Tidal Set at Valkyrie Shield. At biglang...
*Flashback*
"Malapit ng mawalan ng load yan Pong" sabi sa akin ni Saki.
"Ahh okay" sagot ko sa kanya.
*Balik sa kasalukuyang pangyayari*
"Ahh siguro pinasa na ni Saki ung mga gamit sa Gypsy niya kaya wala na dito ang mga gamit" konklusyon ko sa nangyaring insidente.
At lumipas na ang araw na iyon. Kinagabihan ay nag-unyt si Saki habang sasalubungin ang aking ikadalawampu't dalawang kaarawan.
Kinabukasan ay may magaganap na Grand EB ng mga Herculians na Guild at ako'y niyayang sumama. Ngunit kami ay nagsiege muna nina Saki. Gamit ko ang Scholar ni Freya habang gamit ni Saki ang kanyang Gypsy.
"Sak pinasa mo pala diyan ung gamit mo kahapon na naroon sa Bio" pagpapaalala ko sa kanya.
"Huh! Anong pinagsasabi mo Pong?" tanong ng nagtatakang si Saki sa akin.
"Eh wala kasi ung gamit ng Bio mo dun eh" sagot ko sa kanya habang sinimulan na akong kabahan.
Agad niloadan ni Saki ang Bio Account niya at nalaman niyang wala na nga ang mga gamit. At doon ay natuklasan naming nahack na pala si Saki. Pinilit na lang kalimutan ang mga pangyayaring iyon (Buti naman. Ako talaga ang naghack nun eh, hinintay ko pang mabuo ang tiwala sa akin ni Saki sa loob ng dalawang taon bago ko siya ihack mwahahaha)
Habang nagsisiege kami ni Saki ay pinapaalis na niya ako ng bahay para pumunta ng Trinoma. Ngunit tinapos ko ang siege at nagmadali na akong nagbihis at nagtungong Trinoma para sa EB ng Hercs.
Pagdating ko ng Trinoma ay wala pa pala sila at napagpasyahan ko silang hintayin. Lumipas ang mga minuto ngunit sadyang ang tagal nila magsidating. Pagkalipas ng isang oras ay nakita ko sila habang tinitigan ng masama dahil sa sobrang tagal nila magsidating.
Nagdadahilan pa sila. (Isipin niyo pinapapunta pa ako ni Saki habang nagsisiege. Kung sinunod ko pala siya nun ay namuti na ang aking mata sa kahihintay. Birthday na birthday mo pinaghihintay ka)
No comments:
Post a Comment