Poll of the Random Day/Week/Month: Most Unforgettable Character/s

Wednesday, September 23, 2009

Kabanata Tatlo: Gloria, ang magliligtas sa lahat by Pong

Isang maaksyong tagpo na naman ang nagaganap sa Abbys Dungeon ngunit iba ang aming kasama ni Saki, ang pangalan nya ay Sri. Sa kabilang banda naubusan kami ng bote at kailangan na naming bumalik at kumuha ng panibago. Kaya nagcast si Saki ng Warp Portal patungong Prontera.




"Palevel pa tayo pero hati na tayo sa bote" mungkahi sa amin ni Sri.

"Sige" walang pag-aalinlangang pagsang-ayon ni Saki.

Pagbalik namin ng Prontera ay nakita namin si Caz at pati na rin si Erik. Gusto nang maglevel 90 ni Erik kaya kailangan nya ulit magpaleech at nakiusap na naman samin ni Saki.

"Pong, paleech ulit ako sa dragons" pakiusap sa akin ni Erik.

"Sige magbigay ka muna ng bote" tugon ko sa kanyang pakiusap.

"Teka nagbigay na ko dati ah" sagot ni Erik na may halong pang-iisa.

"Ano ka ubos na yun tagal na kaya nun, di bale pag 90 ka na di mo na kailangan magdonate ng bote sa Biolabs na tayo magpapalevel nun" pagkukumbinsi ko kay Erik na may halong pang-iisa din.

"Sige magbibigay ako, teka sino ba tong Resurrector leech din ba to? Hati kami Pong tig 10m kami" mungkahi sakin ni Erik na nang-iisa na naman.

"Si Sri yan. Oo leech yan, hindi magbigay ka ng 20m sakin magbibigay rin siya iba pa yun" sagot ko kay Erik na balak umisa sa nagugulumihanang siya.

Dineal ako ni Erik at nagbigay ng 20m. Dineal rin ako ni Sri at nagbigay ng 10m at 500 Acid and Fire Bottles. Kaya naman ako'y bumili kay PotFactory ng 1k pcs ng Fire at Acid bottles sa halagang 25m at nakabili pa ng kaunting Slim White Potion. Jackpot ako sa pang-iisang aking ginawa hahaha.

Nang ako'y makabili na ng bote ay nagsimula na kaming mag-ayos ng party. Napagpasyahan rin ni Caz na sumama gamit ang clown ni Ram. At isinama namin siya at nagtungo na sa Abbys Dungeon.

Pagkapunta namin ng level 3 ng Abbys Dungeon ay sumalubong sa amin ang isang dambuhalang halimaw na kung tawagin ay Detardeurus (Isa itong pangit na halimaw na may apat na paa at ... teka hirap iexplain ah, basta isipin mo na lang ang gusto mong isiping halimaw. Duh!)

Napagpasyahan namin paslangin ang halimaw na ito tutal mayroon naman kaming kasamang Clown. Sa hindi inaasahang pagkakataon, namatay parehas sina Saki at Sri at natira kami ni Caz at pati na rin si Erik na nasa likod na naka Circlet at nakacompound ang Grand Peco Card. Sa sobrang takot ko ay napatele ako habang pinagreresu ni Caz sina Saki habang tinatangke ang dambuhalang MVP.

"Asan na ba ung killer?" iritang tanong ni Caz na kasalukuyang nauubusan ng pots.

"Napatele ako eh hahaha" sagot ko na walang kalatoy latoy.

Sa wakas at nakarating na rin ako kung saan ko sila iniwan at pinagbabato ko ng Acid Bomb ang dambuhalang halimaw hanggang sa ito'y mamatay. Bago siya malagutan ng hininga nakapagcast siya ng Meteor Storm habang nagautocast ng Gloria si Erik gamit ang Circlet na may Grand Peco Card na kanyang suot suot. Tinamaan si Erik ng mga bumabagsak na bulalakaw bagamat pulado na siya at di makapagheal dahil sa pagcast ng Gloria namatay ang character nyang si Dream~On.

NagMVP ang Biochemist ni Saki na gamit gamit ko habang nakita naming nakatiwangwang si Erik na sa sobrang layo eh hindi na halos makita sa mapa. (Namatay pa siya sa lagay na yun ha)

No comments:

Post a Comment