Poll of the Random Day/Week/Month: Most Unforgettable Character/s

Monday, September 28, 2009

Kabanata Siyam: Ang hinanakit ni Viniel by Pong

May modified experience na naman kaya buhay na buhay na naman ang mapa ng Biolabs. Ako ay sumabak kaagad dito at nagpalevel hanggang sa maubusan ako ng bote at bumalik ng Prontera. 


Dito ay nakita ko sina Saki at Freya at niyaya kong magBiolabs. Agad silang pumayag maya maya ay lumabas si Viniel na nagpapaleech at naghugot pa ng isang ileleech (Aba aba aba hindi pa nakuntento na siya lang eh). 


"Magbibigay ako ng 1k bote" sabi sa amin ng nahugot ni Viniel na kung sinuman. 


Pagkarinig ko ay agad ako napapayag ng walang pag-aalinlangan. 


Matapos magbigay ng bote sina Viniel at ang kanyang hinugot ay agad kaming nagtungo sa Lighthalzen. Saglit kaming naghanda at tinungo na rin ang Biolabs level 3. Ngunit sadyang malas ang aming araw na iyon at palagi kaming namamatay hanggang sa nagreklamo na ang isang linta. 


"Ano ba yan ayusin niyo naman. Akin na nga ung bote eh" reklamo sa amin ng hambog na linta. 


"Tanggalin na nga yan, daming reklamo eh" mungkahi ni Freya. 


Nang makapasok kami ng level 3 ay agad kong dineal ang mareklamong leech na un at ibinigay ang kanyang sanlibong pirasong bote at agad sinipa sa aming party. 


Nagpatuloy kami sa pagpapalevel at naging maayos na ang takbo ng lahat ng maubusan ako ng bote. At naisipang manghingi ng bote kay Viniel. 


"Viniel, ubos na ung bote" sabi ko kay Viniel. 


"Huh ang bilis naman" sabi ni Viniel na nagtataka. 


"Ubos na nga kuha ka na ng bote" utos ko sa kanya. 


"Binilang ko kaya yun, sige alis na lang ako sa party sa iba na lang ako magpapaleech" sabi ni Viniel na inakalang dinudugas at nagleave na nga ng party (Akalain mo andun lang siya sa portal nabilang pa niya hahaha). 


Kumuha na ko ng sarili kong bote para magpatuloy sa pagpapalevel hanggang makita namin si Erik at isinali sa party. 


"Bakit ganun na sila saki. Iba na sila" bulong ni Viniel kanila Freya at Erik. 


"Ang sama na nila. Hindi na sila ang dati kong kakilala, nagbago na sila" muling bulong ni Viniel kanila Freya at Erik na balak kaming siraan. 


Sumang-ayon na lang ang dalawa at agad sinabi sa amin ang hinanakit ni Viniel. Natawa na lang kami ni Saki ng aming ito'y malaman. 


"Binilang niya daw Sak eh andun lang siya sa portal, kala mo dinadaya eh" sabi ko kay Saki. 


"Haha pabayaan mo na yun, ayos nga yan wala ng leech mas mataas exp na makukuha natin" sabi sa akin ni Saki. 


Hindi nagtagal ay napagod na rin kami at itinigil na ang pagbabiolabs at tumambay na lang sa Prontera. 


Nang mga sumunod na araw ay nakita namin si Viniel na isa ng Assassin Cross kahit na may dala dala pa ding hinanakit. Sa loob loob niya siguro ay bumubulong bulong siya. 



"Akala niyo hindi ako makakahanap ng leecher ha, tignan niyo Assassin Cross na ko" sabi niya sa kanyang sarili na sobrang sama ng loob.

No comments:

Post a Comment