Kasalukuyang nakatambay sina Nikko at Joey sa Prontera habang ako ay naka alt tab nang biglang...
The third Seal of [Megingjard] has appeared.
"Woi ano yun?" gulat na sabi ni Nikko na may halong masamang balak.
"Oi Pong quest na tayo nung pag-open ng seal para makakuha ng Ice Pick tong sin" pag-anyaya ni Joey sa akin habang ako'y naka-alt tab.
Nag-usap pa ang dalawa patungkol sa Mjolnir. Makalipas ang ilang minuto ay bumalik na ko sa RO at nabasa ko ang mga pinagsasabi ng dalawa. Kaya agad kong nilog-in ang Wizard ni Saki at sinabihan sila Nikko at Joey.
"Kuha na kayo ng 50 rough oridecons at 50 rough eluniums pati level 4 weapon, ako na bahala sa Hammer of Blacksmith" utos ko sa kanilang dalawa habang lumulukso ang dugo sa aking katawan at sinimulan ko ng lumakad sa taas ng Prontera para kausapin ang batang NPC.
"I can feel a strange blah blah blah (Malay ko kung ano un eksaktong sinasabi nun), can you feel it?" tanong ng busabos na batang NPC.
"Ulol" sagot ko sa kaawa-awang batang NPC na may halong pagkadismaya.
Agad akong bumalik sa tambayan para pagsabihan ang dalawang ulol na katambay.
"Ako bang dalawa eh pinaglololoko niyo? Eh hindi pa pala open ung Brisingamen" sabi ko sa kanilang dalawa na may pagkairita.
"Oo nga hindi pa, aabangan ko yan dito" pagmamayabang na sagot ni Nikko sa akin.
Pero naghanda pa rin kami ng mga kakailanganin at maya maya ay umuwi na si Joey sa bahay nila. Ako naman ay nagtungo sa labas ng Prontera para kausapin ang Bard at nalaman kong ang Brisingamen quest pa lang ang pwede iquest at ako'y nagbalik na ng Prontera.
"Tae mo Nikko, hihintayin mo yun eh limampung katao pa ang kailangan para maopen yun" paalala ko kay Nikko na mukhang desido maghintay kahit mamuti pa ang kanyang mata.
"Oo, tae mo di ako matutulog hihintayin ko to. Bahala ka di ka makakakuha ng Ice Pick" sabi sa akin ni Nikko para magdalawang-isip ako matulog.
Makalipas ang ilang oras ay napagpasyahan namin ni Nikko na magquest na lang din kaya agad kaming nagtungo ng Juno. Habang kami ay nagpapatuloy sa quest may mga nakikita kaming archer at thief na mukhang gumagawa din ng quest. Maya maya pa ay inantok na ko at natulog na lang.
Kinabukasan paggising ko ay naglog-in agad ako at di pa rin napupunan ang limampung katao. Natuklasan ko rin na hindi kinaya ni Nikko ang paghihintay at siya'y nakatulog din. Maya maya ay nag-online sina Saki at JR at niyaya kong magquest. Narinig ni Kenny ang mungkahi ko kela Saki at JR at napagpasyahan nyang sumama. Biglang lumitaw naman ang character ni Nikko kaya ayun sabay sabay na kami nagquest.
Habang ginagawa namin ang quest, sa hindi inaasahang pagkakataon ay biglang nagkaroon ng aberya sa Juno di makakonek ang mga character namin. Disconnected from server palagi. Kaya kami ay tumambay na lang nila Saki sa Prontera at umalis naman sina JR at Nikko. Wala kaming magawa dito kaya naisipan naming tumulala na lang. (Oha sabi sa inyo eh talagang naiisip iyon)
... ... ...
Maya maya ay naayos na rin ang Juno at pinagpatuloy na namin ni Saki ang quest. Sa aming pagkiquest ay nakakita kami ng Thief at Archer na naman na nagkiquest din (Wala lang nais ko lang ipahayag). Nakailan palit din kami ng character at samut saring cards na ang aming nakuha, kay Saki puro may silbi samantalang ang akin ay wala. Hanggang sa humantong na nakakuha si Saki ng Abbysmal Knight Card. (Grabe talaga may favoritism eh)
Nagpalit ulit kami ng character at nagkita sa Prontera nang bigla naming makita si Erik.
"Oi Erik nakakuha ako ng Abbys Card sa quest" pagmamalaking sabi ni Saki kay Erik"
"Oh talaga!" manghang manghang nasabi ni Erik.
"Oo, ako nga nakakuha ng Deviling Card eh" nangangarap ng gising na sabi ko.
"Aba anong quest yan isama nyo nga ako" sabi ni Erik na naenganyo dahil sa aming nakuhang card kahit gawa gawa lang ung akin.
"Sige sama ka igaguide ka namin" pagsang-ayon ni Saki sa nais ni Erik.
At kami nga ay lumarga na at sinimulan ng magquest. Nakatapos na kami at nagpalit ulit ng character habang hindi pa tapos si Erik.
"Tae ano ba to bat hindi ako makaalis dito, mali daw ung sinasabi ko" iritang sabi ni Erik na ang dahilan ay ang saksakan ng arteng dwende sa Coal Mines.
"Kailangan kasi tamang tama ang pagkakatype" sabi ni Saki sa kaawa-awang si Erik.
"Tama naman kaya ung type ko, teka ulitin ko nga" pagkukumbinsi ni Erik sa kanyang sarili kahit na mali talaga.
Sa tagal binuno ni Erik ang pakikipagtalastasan sa dwende ng Coal Mines ay nakuha nya rin at nakaalis na. Kami ni Saki ay nakatapos na naman ng quest habang kinukuha ni Erik ang premyo niyang card sa Juno.
Tumambay ulet kami ni Saki sa Prontera habang hinihintay si Erik na hindi rin nagtagal ay naroon na rin.
"Grabe sobrang malas ko" sabi ni Erik sa amin na ramdam ang pagkadismaya.
"Bakit?" tanong naming dalawa ni Saki.
"Sa dinami rami ng card na makukuha ko Poring Card pa talaga. Napakamalas ko!" sagot ni Erik na nanlulumo.
"Tae ung akin nga Scorpion Card eh, ganun din wala ring silbi katulad ng Poring Card" sabi ko kay Erik para maibsan ang lungkot.
"Isipin mo kasi quest eh sabay Poring" pagkukumbinsi sa amin ni Erik na ang malas niya.
Tinawanan namin si Erik at binenta na lang ang +7 GR Coat nya na nabenta namin sa halagang 250m. Sobrang saya ni Erik dahil nabenta nya ng mahal ang GR sa nauto namin kung sinuman.
No comments:
Post a Comment