Poll of the Random Day/Week/Month: Most Unforgettable Character/s

Wednesday, September 23, 2009

Kabanata Anim: Isang malungkot na sandali sa Endless Tower Expedition Part 1 by Pong

Isang araw sa Prontera ay naglog-in si Caz. Sa wakas at naayos na ang Smart Bro niya bilang pagbati sa kanyang pagbabalik ay napagpasyahan na mag Endless Tower. Isa isang niyaya ni Saki ang mga tropa sa pamamagitan ng YM. At biglang nagsilabasan sina Neds at Nikko.



"May loots ba diyan?" tanong ni Nikko na sabik na sabik makakuha ng loots.


"Oo naman" sagot ko na na ang tanging nasa isip ay hindi magpalamang dito kay Nikko.


Dumating pa sina Wie, JR at Jaguar. Kasalukuyan akong gumagawa ng party at ininvite ko sila isa isa. Dahil sa hindi makumpleto ang lineup ay nagRPM na kami sa pamamagitan ng paggawa ng pub at maya maya biglang may pumasok na High Wizard at gustong sumama. Dali dali ko namang ininvite.


"Teka mag-aayos lang ako ng gamit" paalam sakin ng High Wizard na nalimutan ko ang pangalan.


"Sige basta bilisan mo" sagot ko sa High Wizard na hindi alam ang pangalan.


Niyaya ni Wie ang kaibigan niyang si maricel=[Fs] (Hindi ko alam ang tamang format ng name tawagin na lang natin siyang July) at si Chesca. Pero kulang pa din kami ng isa ng biglang dumating ang isang High Priest na nagngangalang Aethan Rafael.


"Pwede ba akong sumama?" tanong ni Aethan Rafael.


"Oo, ikaw na lang kaya hinihintay lalarga na" sagot ko.


Agad ko siyang ininvite sa party at nagtungo na kaming Alberta para makapunta sa Misty Island kung saan naroroon ang Endless Tower. Naggenerate na ko para kami'y makapasok na ngunit may cool down pa palang 5 minutes kaya ako ay linuwa at binalik sa Alberta. Agad akong lumakad para makabalik sa Misty Island ng makasalubong ko si Dok.


"Game" sabi ni Dok na punong puno ng buhay.


"Tae mo ba't ngayon ka lang puno na kaya ang party?" sabi ko kay Dok.


"Waa paano na yan? Magkick ka" mungkahi ni Dok sa akin.



"Napakasama naman kung ikikick ko tong mga di namin kilala, di ko naman makick itong iba dahil kailangan ang jobs nila sa Endless Tower at parehas kaming Pari ni Dok" pag-aanalyze ko sa aking sarili hanggang sa makaisip ako ng mabisang paraan.



"Alam ko na ikaw na lang ang magpilot nitong HP ni Saki" mungkahi ko kay Dok.


"Eh paano ka?" sabi ni Dok sa akin na may halong pag-aalala.


"Hindi na lang ako sasama" sabi ko sa kanya.


At gayun na nga at nilogout ko na ang HP ni Saki at naglog-in ng Novice account at tumambay sa Prontera. Naisip ko na nakakalungkot pala mapag-isa sa lugar na to. Kaya naisipan ko mag-alt tab at bigla akong napatingin sa bot.


[Sure-shot]-khai : teka balik ako ubos na sp pots
saki~ : steel body ka na lang nikko
Teleporting due to idle
Lunar Princess Krisha : sayang sp sa EF
You are now out Power-Thrust
You are now Power-Thrust
Attacking: Hill Wind(10)


Tama na nagkakalokohan lang eh. Naisip kong magBG na lang para may magawa ako at tinype ko ang respawn at sinara ang bot.


Nilog-in ko ang Whitesmith ni Caz at dinamitan ng kaunti at kinausap na ang Marroll Battle Recruiter. Dito ay nakita ko si Shak at kami'y nagBG.


Nang kami'y nasa loob na ng Flavius ay bigla kong nakita ang kaibigan kong si Indaykets AKA BoomBilya. Kalaban namin siya kaso sayang hindi ko siya nacart ram. Pero kami pa rin ang nanalo sa bandang huli.


Mga nakaanim na game din ako sa Flavius BG at puro panalo. Nagsawa na ko at naisipan kong tumigil na. Binot ko na ulit ung Whitesmith at nag Novice account na naman.


Grabe hindi pa rin sila tapos sa Endless, na kay Ifrit na sila. Inggit na inggit ako ang masaklap pa dun wala man lang nakaalala sa akin matapos ang aking ginawang sakripisyo (Hahaha emo). Makalipas ang ilang oras ay nagbalik na ng Prontera ang lahat pero di nila napatay si Ifrit dahil wala ako eh (Hahaha bitter).


Sa wakas at napansin nila ang kaawa-awa kong Novice.


"Si Pong ba to?" tanong ni Caz sa kasama habang turo turo ang Novice.


"Hoy Pong andyan ka pala" bati ni Neds.


Nanatili akong walang imik.


"Oi Pong magsalita ka haha" sabi ni Dok.


"Tae sayang ung Ifrit baka ROFL un" nanghihinayang na sabi ni Nikko.


"Hindi ata si Pong yan" sabi ni Caz.


Nanatili pa rin akong walang imik (Ito ang tinatawag na kunwari AFK hahaha). Hanggang sa naglogout na silang lahat at ako rin.

No comments:

Post a Comment