Poll of the Random Day/Week/Month: Most Unforgettable Character/s

Friday, October 9, 2009

Kabanata Labinsiyam: Guild na May Mukha by Pong

Pagka-online ko sa Ragnarok ay agad akong kinausap ni Caz.

"Pong, favor nga pajob 50 mo ung High Mage ko" paki-usap ni Caz sa akin.

"Okay" walang pag-aalinlangan kong sagot.

"Sa Nightmare kayo palevel si Mayk ung support mo, kakain lang ako" sabi ni Caz sa akin.

At agad kong nilog-in ang High Mage ni Caz.

"Ano na lola?" tanong ni Mayk sa akin na akala ako si Caz.

"Pong to, tara na" sabi ko.

At agad kaming nagtungo sa Geffen Dungeon. Nagpatama ako sa mga yokababs dito (Kabayo baka hindi maintindihan ni Freya eh) dahil naka DL Shoes naman at kusang nagcast ng Meteor Storm at dali-daliang namatay ang mga yokababs.

Hindi nagtagal ay napajob 50 rin namin ni Mayk ang High Mage ni Caz at nagbalik na ng Prontera.

Ipapajob change ko na ito ngunit napakarami pang skill points na kailangan gamitin. Kasalukuyan namang naroon Si Dem sa Prontera kaya agad akong nagtanong ng mga kakailanganing skills. Matapos malagyan ng skills ay agad ko na itong pinajob change.

Ni-pm (Walanjo napagaya na ako sa inyo paano kasi ang pangit naman pag nilagay ko pinm, hindi maintindihan eh) ko ang Prof ni Freya na si Noda's Gurl na kasalukuyang gamit gamit ni Saki.

"Oi" sabi ko kay Saki.

"Ikaw na Pong magpalevel nito. Magaling ung kasama mong HP at Bio" sabi sa akin ni Saki.

"Bakit? Sino ba yang mga yan?" tanong ko sa kanya.

"Si Timewizard ung HP tapos si Bonakid ung Bio" sagot niya sa akin.

Agad kong nilog-in ang Prof ni Freya at nagpalevel muna bago magsiege. Tama nga si Saki at napakahusay nitong dalawa na kaparty. Wala namang duda dun sa isa eh (Batang May Laban ata un).

Maya maya'y nagpaalam na si Timewizard para makapaghanda sa siege kaya nagwarp siya sa Prontera at sumunod naman ako habang nagpa-iwan si Bonakid.

Dito ay nakita ko si Erik.

"Pong mang-sscam tayo ngayon diba. San tayo mang-sscam?" tanong sa akin ni Erik.

"Sa Renegades. Tara Geffen" sagot ko sa kanyang katanungan.

Naunang pumunta si Erik sa Geffen.

"Tae Pong may Guild dito" sabi sa akin ni Erik.

"Oo Renegades dun sa right Kafra" sabi ko sa kanya.

"Hindi tignan mo may mukha. Lord of Elementals pangalan. Tae sinali na ako magpapaloyal ako dito" sabi sa akin ni Erik.

Agad na rin akong nagtungo sa Geffen at inimbita ako sa Guild na un na may mukha nga. Agad kaming humingi ng supplies ni Erik. Binigyan kami ng tig 200 White Slim Potion at 50 Blue Potion.

"Tae yun na yun, ang barat naman nitong guild na may mukha na to. High Wiz pa ung GM" reklamo sa akin ni Erik.

"Tara na alis na tayo dito" sabi ko kay Erik.

"Paano tayo aalis dito Pong?" tanong sa akin ni Erik.

Sumimple kami na pumunta sa may itaas ng Geffen at nagleave ako sa Guild.

"#%%#^$%# Sinong nagpasali dun? %$#@" sabi ng GM ng Guild na may Mukha.

"Tae Pong galit na galit sa'yo ung GM" sumbong sa akin ni Erik.

Ako ay natatawa lamang sa aking ginawa habang naiipit si Erik sa guild na un.

"Si Dream~On po nagpasali dun eh" sabi ng isa sa alagad ni Hikari (Yung GM).

#$$@%#$^ sa susunod ha wag kayong magpapasali ng hindi niyo kakilala. #%#@" muling sabi ni Hikari na galit na galit.

Maya maya'y nagleave na rin si Erik at napamura na naman siguro ng todo si Hikari. At kami'y dumerecho sa savepoint ng Renegades. Inimbita dito si Erik at agad nagpasupply.

"Balik ka dito meron pang 100 slims" sabi ng supplier ng Renegades kay Erik matapos ang sinagawang deal.

Kaya agad itinago ni Erik ang naunang deal sa storage at kinuha pa ang natitirang 100 slims. Pagkadeal sa kanya nito ay agad siyang nagleave sa Guild.

Nagtungo kami ng Juno para magsiege sa Reunited. Nagpainvite kami at humingi ng supplies. Matapos ni Erik manghingi ng supplies ay agad nagleave sa Guild at pumuntang Lighthalzen. Ako naman ay nagsiege maya maya ay may pumaslang sakin.

Nagbalik akong Lighthalzen, hindi pala ako nagsave sa Juno kaya napagpasyahan ko na ring wag na lang magsiege at nagleave na din sa guild. Nagpalevel na lang kami ni Erik kasama si Bonakid sa Biolabs.

No comments:

Post a Comment