Poll of the Random Day/Week/Month: Most Unforgettable Character/s

Saturday, October 10, 2009

Kabanata Dalawampu't Isa: Tampuhan by Pong


Isang siege na naman ang magaganap sa mundo ng Midgard kaya naghahanda na si Saki magpasupply.

Nagpa-invite naman kaming dalawa ni Erik sa guild na Reunited at agad nagpasupply. Binigyan naman kami ni Saki ng supply.

At nagsimula na nga ang WoE. Ngunit agad nawala sa eksena si Erik.

"Taeng Erik un scammer. Hindi na makaka-ulit sa akin un sa susunod" sabi ni Saki na naisahan ni Erik.

Natapos ang siege na hindi na muling nagparamdam si Erik (Talagang naisahan ng todo si Saki).

Lumipas ang mga araw at panibagong siege na naman ang magaganap kaya naghandang muli si Saki ng supply. Sumali ulit kami ni Erik sa Reunited at nagpasupply.

Binigyan ako ni Saki ng supply samantalang si Erik ay hindi niya pinapansin. Maya maya ay kinausap ko si Caz dahil napagpasyahan ko na Prof na lamang ang gamitin at dineal ko ang aking supplies sa kanya para ipasa dun sa Prof.

Nilog-in ko na ang Prof ni Freya at pinasok ang pub ni Caz at nagdeal. Ngunit kinakancel lamang ito ni Caz nagdeal ulit ako at kinancel na naman ulit.

Napagpasyahan ko na kumuha na lang ng panibagong supplies kay Saki kaya dineal ko ito ngunit kinancel lang din.

"Tae Pong may supplies ka na" sabi sa akin ni Saki.

Pinuntahan kong muli ang pub ni Caz.

"Tae ayaw akong bigyan ni Saki ng supply" sabi ni Erik na inis na inis na.

"Scammer kasi kayo" sabi sa amin ni Caz.

"Anong scammer? Dali ung supplies ko" sabi ko kay Caz.

Ngunit kinancel niya muli ang aking deal at sinipa kaming dalawa ni Erik sa pub. Pumunta kami sa pub ni Saki at sinipa din kaming dalawa.

"Tae naman Pong ayaw ako bigyan, di na nga ko magsisiege" pagtatampo ni Erik.

Nagsiege pa din ako kahit wala akong supply. Napakalungkot dahil walang extra pots si Freya sa Kafra kaya pinagdurusahan kong magsiege na walang pots (Kunwari lang para madrama ang effect, kahit sanay ako ng walang pots).

Natapos ang siege at kinausap ko si Caz.

"Grabe nagsiege ako ng walang pots di mo binigay sakin ung pinapapasa ko sa'yo" sabi ko kay Caz.

"Ay may pinapapasa ka ba? Oo nga noh sorry nakalimutan ko. Hindi mo kasi sinasabi" paghingi ng paumanhin niya sakin.

"Grabe alam mo ung sinipa pa ko sa pub. Wala na ngang pots sinipa pa" sabi ko sa kanya.

"Haha sorry di ko alam eh" sabi niya sakin.

At dineal na niya sakin ang supplies ko na dapat kanina pa niya dineal. Si Saki at Erik ay nanatiling di nagpapansinan sa Prontera (Tampo to the max si Erik eh hahaha).

No comments:

Post a Comment