Poll of the Random Day/Week/Month: Most Unforgettable Character/s

Saturday, October 10, 2009

Kabanata Dalawampu: Chocola at ang Kanyang Alipores by Pong

Malungkot kaming naghihintay ni Erik ng makakaparty sa Lighthalzen ng sabihin ni Rhaz sakin na gagamitin niya raw ang kanyang Soul Linker. Agad akong naggroup message sa YM.

"Need Gypsy at Bio sa Biolabs package deal now na" naGM ko imbes na kay Caz at Saki lang dapat ito.

Ngunit lumipas ang kalahating minuto ng hindi man lang nagrereply. Umasa pa naman ako na excited sila dito. Maya maya'y nakakita ako ng Biochemist at agad kong inimbita sa party.

At agad na kaming lumarga ngunit napabalik ako dahil nakakita ako ng Clown na nakapub na nagngangalang Chocola. Inimbita ko sa party ang Paladin at si Chocola na nangangailangan ng party at tuluyan ng lumarga.

Nauna na kami nina Erik, Rhaz, ung Bio at Paladin habang may hinahanda pa daw si Chocola.

Ang sarap ng pagpapalevel namin dahil may Paladin kaya tipid ako sa pots. Biglang dumating si Chocola na agad nag-Bragis kasama ang tatlong High Priest na bot na kanyang alipores.

Nagulantang ako sa aking nakita napakaraming High Priest na support nun kaya lalong sumarap ang aming party.

"Baka gusto mo idagdag pa ung HP ko diyan?" mungkahi ng aming kasamang Paladin.

"Hindi na, sobra sobra na nga to eh" sagot ni Chocola.

Makalipas ang tatlumpung minuto ay napagpasyahan ng aming party na magsikain muna para tuloy tuloy na ang pagpapalevel (Para sa totoong tagumpay). Kaya kami'y kumain na muna.

Pagkabalik ko ay si Erik, Rhaz at ang Paladin pa lamang ang naroroon. Maya maya ay dumating na rin si Chocola. Kasalukuyan namang may isang Biochemist na nangangailangan ng party kaya agad ko itong isinali at sinimulan na muling magpalevel.

Matiwasay ang aming pagpapalevel (Paano ba naman tatlong HP na bot eh, may 2 HP pa kaming kasama kahit walang silbi ung isa). Nagpapabuffs si Erik sa mga HP na bot (Akala mo walang sariling buffs eh, leech na leech ung dating niya dito kung makikita niyo lang).

Maya maya'y sumunod ang nauna naming Biochemist. Hindi nagtagal ay nagpm sakin si Caz.

"Pong, tara game" pag-anyaya niya sa akin.

Ngunit hindi ako kumibo at nagpatuloy sa pagpapalevel.

"Kaninang kailangan ko sila ayaw sumagot. Ngayong may party akong maganda eh ngayon pa sumagot" sabi ko sa aking sarili habang nagpapalevel.

"Oi Pong, ano na? Tara na" muling pilit ni Caz sakin ngunit nanatili akong hindi umiimik.

"Oi Erik si Caz nagppm sinabihan ko diba kanina na magpapalevel" bulong ko kay Erik.

"Ay tae. Wag mo kausapin pabayaan mo sila. Sarap sarap ng party natin eh" bulong niya sakin.

Pinilit pa rin ako ni Caz ngunit nananatili akong walang imik.

"Erik kawawa naman sila. Isali na lang natin" mungkahi ko kay Erik.

"Tae wag babagal ung exp, hayok na hayok na ko mag-99 eh. Teka kakausapin ko sasabihin ko wala ka" sabi sa akin ni Erik.

Nagpatuloy ako sa pagpapalevel habang kinausap ni Erik si Caz.

"Caz, wala si Pong may bisita" sabi ni Erik kay Caz.

"Ahh" sagot ni Caz sa kanya (Bistadong bistadong magkasama kami ni Erik, hindi naman ako hinahanap ni Caz sa kanya biglang nagsabi ng ganun hahaha)

"Okay na Pong sabi ko may bisita ka" sabi ni Erik sa akin.

"Oh anong sabi? Naniwala naman ba?" tanong ko kay Erik.

"Oo naniwala Pong. Ahh daw" sabi sa akin ni Erik.

"Tae nakahalatang magkasama tayo" sabi ko sa kanya.

"Hindi yan" kampanteng sagot ni Erik.

"Ahh lang ung sinabi mukhang nagtampo na sa bigas hahaha" nawika ko sa aking sarili.

Nagpatuloy na kami ni Erik sa pagpapalevel at wala na ring sagabal hanggang puntahan namin ung right part ng Biolabs (Dun sa ano alam niyo ung Lemon Square sa Biolabs kung di niyo alam aba magdusa kayo, basta un tapos sa kanan nun. Yung kung hindi unli Sniper unli High Wiz ung respawn).

Sandamukal na Sniper ang aming nakaharap ngunit nagpapatuloy lang ito sa pagrespawn habang nakatingin lamang si Dream~On sa kawalan (Character ni Erik). Lumipas ang labinlimang minuto at naubos din namin ang Snipers na yun.

"Tae ang dami nun ah" sabi ko sa kanila.

"Wooh! Para na akong sumabak sa RPC" sabi ni Chocola.

At nagpatuloy na kaming magpalevel hanggang magsawa.

No comments:

Post a Comment