Poll of the Random Day/Week/Month: Most Unforgettable Character/s

Wednesday, October 7, 2009

Kabanata Labing-Anim: Anong mas pipiliin mo Biong may leech o Biong bobo? by Pong

Napag-alaman ko na ang modified experience palang ibibigay ay 1.5 kesa sa kumakalat na balitang x2. Agad akong nanlumo ng malaman ko ang balitang ito (Napakabarat ba naman ng mod exp).

Pagkatapos ng maintenance ng Ragnarok ay agad akong naglog-in. Ginamit ko ang Biochemist ni Caz at namataan ko ang isang Biochemist na pamilyar sa akin.

"Kumusta ako to ung may gamit ng Caazi dati" bati ko sa kanya.

"Ahh ikaw pala yan Caazi" bati niya sa akin.

"Hindi ako si Caazi, pilot lang ako. Ako si Pong" pagpapakilala ko sa kanya.

"Ahh. Kuya Pong sa tingin mo mabenta kaya ung AFMB? (Advanced Field Manual Box para sa mga hindi nakakaalam. Ang gamit nito ay pampadoble ng experience na makukuha sa kalaban)" tanong niya sa akin.

"Hindi ko alam" sagot kong napakaganda.

"Si Hsienko?" paghahanap ko sa kanya.

"Ewan nagbabakasyon" sabi niya sa akin.

"Ano nga pala pangalan mo?" tanong ko sa kanya.

"Anne, pero di sa akin tong Bio kay Mark to" sagot at paliwanag niya sa akin.

"Ahh teka palit lang ako sa Prof ah" paalam ko sa kanya.

"Sige Kuya Pong magvend muna ako dito" paalam niya rin sa akin.

Nilog-in ko ang Professor ni Freya at nagtungo sa Prontera. Muli kong namataan si Anne at binati ko siya.

"Ito na ko" sabi ko sa kanya.

"Waaa! Ikaw pala yan nakaparty ko yan nung nakaraang mod" gulat na sabi niya sa akin.

"Di nga. Di ko matandaan na nakaparty kita" sabi ko sa kanya.

At siya'y nawala. Maya maya ay may lumapit sa aking Bard.

"Ito ako Kuya Pong" sabi niya sa akin.

"Waaa! Nakaparty ko nga yan, nakaparty rin yan nung Bio ni Caz ah" gulat na sabi ko habang naaalala ang nakaraang mod exp.

"Akalain mo nagkita na pala ulit tayo nung nakaraan" nasabi ko sa kanya.

At kami'y nagtawanan at nag /gg ako.

"Waaa! /gg na naman" sabi niya sa akin.

At tinadtad ko siya ng /gg.

"Teka lagay ko lang sa shortcut" paalam niya sa akin.

Maya maya ay nag-/gg na rin siya. At kami'y nag-/gg ng todo (/gg isa itong emoticon sa Ragnarok na kung tawagin ay Good Game pero pag nakita mo ang itsura nito ay mistulang may masamang binabalak hahaha).

Maya maya ay dumating na si Erik at napagpasyahan na naming mag palevel sa Biolabs. Ngunit makalipas ang ilang minuto ay umalis ang aming nakuhang Biochemist kaya kami ay naghanap muna sa Lighthalzen.

Dito kami ay naghintay ng darating na Biochemist. Maya maya ay may nagpm sa aking Biochemist.

"Ate, pwede po ako kaso may leech akong kasama?" tanong ng Biong may leech.

"Teka tanong ko lang sa mga kasama ko" sagot ko sa Biong may leech.

"Pong, may nagpm sa aking Bio may leech daw. Asa naman isipin mo un may leech pa huwag mo invite" sabi sa akin ni Erik dahil sinabihan din pala siya.

"Ayaw eh" sabi ko sa Biong may leech.

Kaya kami ay naghintay pa ng darating na Biochemist.

.....

*Insert blow of wind in here*

.....

Makalipas ang isang oras.

"Anak ng tinapay naman kanina pa kami dito ah. Ang arte kasi nito ni Erik, masipa na nga to sa party may HP naman dito na nangangailangan ng party invite ko na lang to pati tong Biong may leech. Sabihin ko muna kay Anne" sabi ko sa aking sarili habang nababanas na.

Sasabihin ko na dapat kay Anne ang aking naisip ng may makita akong Biochemist na nangangailangan ng party. Agad ko tong ininvite sa party at kanya namang tinanggap. Kaya kami ay nagsimula ng magpalevel.

"Tara na! Kanina pa tayo dito eh" nagmamadaling sabi ni Erik.

At kami'y nagtungo na sa Biolabs level 3. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay napakabagal palang bumato nitong Biochemist na aming nakuha (Grabe 10 seconds delay eh, may Bragis pa kami sa lagay na yun ah).

Hirap na hirap kaming nagpapalevel dito sa Biolab dahil sa nakuha naming Biochemist na pagkatagal tagal bumato.

"Kuya Pong, kawawa tayo sa Bio na to" sabi sa akin ni Anne.

"Tae Pong! Ang bobo ng Bio na to" reklamo sa akin ni Erik.

Maya maya ay sumulpot si Kathryne Keyron sa aming harapan at agad kong pinalitan ang kanyang elemento sa tubig. Ngunit sadyang matagal bumato itong nakuha naming Bio at hinintay pa akong matepok bago niya ito binato.

Kami ay nagpatuloy sa pagpapalevel kahit hirap na hirap na kami hanggang sa lumabas si Cecil Damon. Agad akong nagcast ng Double Bolt at tinadtad ng Fire Bolt si Cecil.

"Tae bakit ka nagfafire bolt. Magfog wall ka" reklamo sa akin ng kasama naming Biochemist.

"Di ka tatama pag nakafog" sagot ko sa Biong Bobo na aming kasama.

"LP lang kaagad" sabat ng Bio (Tae mas marunong pa sakin eh, hindi kaya nawawala ung Fog Wall sa Biolabs kahit gamitan pa ng Magnetic Earth. Alam ko Land Protector dapat pero mas astig kaya pakinggan ung Magnetic Earth bigkasin mo pa)

Napaslang ko pa ang walangyang Cecil ng di man lang ako tinulungan ng mareklamong Bio kaso hindi rin nagtagal at hindi na namin kinayanan pa ang lubusang pagpapahirap sa amin ng aming Bio na kasama at kami'y nawipe out.

Pagkabalik namin sa Lighthalzen ay nagleave na ang Biochemist.

"Walangyang Bio yun 10 seconds delay eh" reklamo ni Anne sa akin.

"Tae Pong! Ang bobo ng Bio na un sana ung Bio na may leech na lang kanina sinama natin eh" sabi sa akin ni Erik.

"Tae mo dami dami mo kasing arte. Alam mo bang sisipain na dapat kita kanina para isali ung Biong may leech kaso dumating pa ung Biong bobo na un" reklamo ko kay Erik.

"Hahaha. Mas magaling pa nga ung Biong may leech na un nakaparty na natin un last time eh" sabi sa akin ni Erik.

"Anong mas pipiliin mo Pong Biong may leech o Biong Bobo?" tanong sa akin ni Erik.

"Biong Bobo na syempre" sagot ko sa tanong ni Erik.

"Syempre" pagsang-ayon sa akin ni Erik.

No comments:

Post a Comment