Poll of the Random Day/Week/Month: Most Unforgettable Character/s

Thursday, October 15, 2009

Kabanata Dalawampu't Tatlo: Ring of Flame Lord by Pong

"Pong, gusto mo ng 200m?" alok sa akin ni Jaguar.

"Oo bakit?" agad na pagsang-ayon ko.

"Sige, pila mo ko sa ROFL event" sabi niya.

"Okay" sabi ko.

"Pong, anong gusto mo 200m o load?" tanong ni Jaguar.

"Load syempre" agad na sagot ko.

"Sige 200 load bibigay ko sa'yo ha sa Friday na yun" paalala niya sa akin.

Maya maya ay nagka-usap kami ni Saki.

"Sak, bibigyan daw ako load ni Jaguar ipipila ko daw siya sa ROFL event" sabik na sabi ko sa kanya.

"Pipila din kami eh, amin na daw ung ROFL sabi ni Dok" sabi niya sa akin.

"Anak ng pating naisahan ako dun ah load lang ung akin sa kanila ROFL na" nasabi ko sa aking sarili.

Maya maya ay umalis na si Saki at dumating naman si Erik at agad ko tong nilapitan.

"Erik, bibigyan daw ako ni Jaguar ng load" sabik na sabi ko sa kanya.

"Oh hindi nga! Bakit ka naman bibigyan?" nagtatakang tanong niya sa akin.


"Ipipila ko daw siya sa ROFL event sa Friday" sabi ko sa kanya.

"Eh di may pangload ka na sa account mo, sa wakas makikita ko na rin ung character mo" sabi niya sa akin.



Kinagabihan ay nag-unyt si Freya at kami'y tinawagan na.

"Oi alam mo ba Fre magkakaload na si Pong" sabik na sabi ni Erik sa kanya.

"Oh Pong magkakaload ka na" gulat na reaksyon ni Freya.

"Oo, naghihintay pa ng magbibigay ng load eh pero nagpapalevel ng mga character na di sa kanya" sabi ni Erik.

At natawa si Freya. "Ahihihihihi" tawa ni Freya.

"Isipin mo un Fre, di naman kanyang character eh pinapalevel. Isipin mo yung pagod tsaka kuryente" sabi ulet ni Erik.

"Hindi mabait talaga yan si Pong" sabi ni Freya (Wushuu porke character niya ung pina-99 ko last time hahaha).

"Tagal tagal ko na kilala si Pong di ko pa din nakikita ung character eh. Sa wakas makikita ko na sa Friday hinintay pa talaga mabigyan siya ng load eh" sabik na sabi ni Erik.

At tigilan na natin to at i-fast forward na ang mga pangyayari baka abutin pa tayo dito ng Pasko eh.

Nang sumunod na araw ay niyaya ko si Freya na magsiege sa Reunited dahil ako ung supplier ng bote.

"Fre, siege ka ha ako magsusupply bigyan kita 1k pcs Fire at Acid Bottles" alok ko sa kanya.

"Sige Pong" pagtanggap niya sa aking alok.

At sinimulan ko ng magpasupply habang nagpapasupply si Saki ng Slims.

"Scammer si Unknown Pokemon (Sorry naman nalimutan ko pangalan eh)" sabi sa akin ni Tangkad.

Pumasok ang unknown Pokemon sa aking pub at agad nagdeal ngunit agad ko itong kinancel at sinipang kabayo. Nang matapos na ang supplyan.

"Pong, wag na tayo magsiege tinatamad ako eh" sabi sa akin ni Saki.

"Tae bakit hindi" sabi ko sa kanya pero napapayag niya rin ako.

Nagtungo kami sa Prontera at nakita si Freya. Maya maya ay sumulpot na din si Mayk.

"Di daw kami magsiege supplyan ko na lang kayo dito" sabi ko sa kanila.

At agad kong binigyan ng 500 Acid at Fire Bottles si Saki habang isang libo naman kay Freya. Maya maya ay dinagdagan ko pa ng 200 sets ung kay Freya para pangboss hunt namin.

Tumulala kami sa Prontera ng mga ilang saglit. At biglang naghimutok sa amin si Freya.

"Di daw pupunta si mame sa graduation ko" sabi sa amin ni Freya na ramdam ang pagkadismaya.

"Oh kawawa ka naman. Kami na lang pupunta" alok ni Saki.

"Oo nga Chanak pwede kami pumunta diyan" sabi ni Mayk.

"Anak ng kaldero akala ko magbobosshunt kami sabay biglang nagdrama si Fre" sabi ko sa aking sarili.

I-fast forward na ulit natin to baka mamuti na buhok natin di pa to tapos eh.

Maya maya ay niyaya ako ni Saki na mangolekta ng Cold Magma. Agad naman akong pumayag kaya kami'y nagtungo sa Magma Dungeon. Makalipas ang isang oras na pagsabak namin sa Magma Dungeon ay nakakuha kami ng tumataginting na isang Cold Magma ni Saki. Dahil sa aming nakuha ay napagpasyahan na lang naming tumambay sa Prontera.

Nawala na ang kadramahan ni Freya kaya niyaya kong mag-Biolabs kami.

"Biolabs tayo Fre" pag-anyaya ko sa kanya.

"Sinong Bio Pong?" tanong ni Freya sa akin.

"Ikaw, ako na bahala sa High Wiz" sagot ko sa kanya.

"Okay magprepare lang ako. Sama ka Chanak gamitin mo ung High Priest ko" sabi sa amin ni Freya.

"Sige Chanak" agad na pagsang-ayon ni Mayk (Trivia: Chanak kasi ung tawagan nila eh. How sweet diba hahaha).

Nang matapos na silang maghanda ay agad na kaming nagtungo ng Lighthalzen at nakita namin si Bonakid na nangangailangan ng party. Agad ko naman tong inimbita at tinanggap niya naman ang aking imbitasyon.

Nagtungo kami sa Biolabs level 3 at nagsimula ng magpalevel. Nang biglang nagpm sa akin si Saki.

"Pong, punta ka raw Payon sabi ni Mike" sabi sa akin ni Saki (Trivia ulet: Mike is Jaguar and Jaguar is Mike).

"Bakit para saan?" tanong ko sa kanya.

"Para sa ROFL bukas Pong" sagot niya sa akin.

"Mamaya na nagpapalevel ako dito eh" sabi ko sa kanya.

At kami'y nagpatuloy ng magpalevel dumating si Kathryne Keyron ngunit agad ko lang tong pinaslang sa pamamagitan ng Arrow Vulcan. Nang biglang magpm muli sa akin si Saki.

"Oi Pong, wala ka daw load pag hindi ka pumunta dito" pananakot sa akin ni Saki.

Nang mabasa ko ang pm ni Saki ay agad akong nagpawarp kay Mayk at agad silang iniwan para magtungo sa Payon. Nakita ko ang pub ni Jaguar at agad ko itong pinasok. Naririto rin sina Saki, Dok, Tere at Nath.

"Oh mabuti andito ka na Pong. Kung di ka pa tatakutin di ka pa pupunta dito eh" sabi sa akin ni Jaguar.

Samantala sa Biolabs level 3.

"Nasaan na ba ung killer ng High Wiz?" reklamo ni Bonakid na nakasend to party.

"Haha nawala may meeting sila tungkol sa ROFL event" sabi sa kanya ni Freya.

"Eh paano na tayo ngayon?" nangangambang tanong ni Bonakid.

"Ayawan na" sabi ni Freya.

Okay balik na tayo.

"Okay Pong idedeal ko na tong ipantitrade mo bukas" sabi sa akin ni Jaguar.

Agad akong dineal ni Jaguar para ibigay na ang mga kakailanganin sa ROFL event.

"Tae Pong overweight" reklamo sa akin ni Jaguar.

"Paano ba naman Gypsy ung gamit" sabi ni Tere.

Natawa ako at agad nagchange ng character. Nilog-in ko ang Baby Merchant ni Freya at agad nagtungo ng Payon. Pagkapunta ko ay pumasok ako sa pub at dineal si Jaguar.

"Tae Pong liit muscle" muling reklamo ni Jaguar sa akin.

"Hahaha. Wala ng ibang character dito eh" sabi ko sa kanya.

"Tae, ito na nga lang Merchant na to gamitin mo" sabi sa akin ni Jaguar.

"Sige" pagsang-ayon ko sa kanya.

"Ano ba number mo? Para itext ko dun ung username at password" tanong niya sa akin.

"09159984253" sagot ko sa kanya (Totoo yan kaso di niyo na makocontact yan wahahahaha).

Maya maya ay nakatanggap ako ng text mula kay Jaguar na naglalaman ng username at password pati na rin admin pass sa bot. Nagpatuloy na kami sa meeting.

"Kailangan ba isang deal lang?" tanong ni Dok.

"Oo ata nakasulat kasi sa site isang deal lang daw eh kundi masasilence" sabi ni Tere.

"Hindi naman siguro ganun. Pwede naman siguro dalawang deal. Di naman kayang buhatin lahat yan eh" sabi ko sa kanila.

"Kaya Pong pag may Gym Pass, naka-sale nga un ngayon eh" sabi ni Jaguar.

"Baka kaya naka-sale un para talaga sa event na yun bawal siguro double deal" sabi ni Tere.

"Teka tanong natin sa GM. Sabihin ko kay Marya na itanong kay Anael. Teka tawagan ko lang si Marya" paalam ni Jaguar.

Biglang nagring ang aking cellphone. Agad ko itong kinuha at hindi nakaregister ung number pero ito'y akin pa ring sinagot.

"Hello Malabanan Drainage Plumbing!" bati ko (Joke lang. Hello lang ung sinabi ko).

"Marya!" tawag ng aking kausap.

"Sinong Marya? Tae si Pong to" sagot ko na nagbago ang pananaw kay Jaguar ng marinig ko ang boses.

"Ay Pong tae. Akala ko si Marya" dahilan niya sa akin.

At agad na naming binaba ang phone at sinimulan ng tawagan ni Jaguar ang tunay na Marya.

"Walangya si Pong pala kaya pala lalaki ung boses kanina" sabi ni Jaguar sa kanyang sarili habang hinihintay sagutin ni Marya ang phone.

Kaming lahat ay naghihintay sa pub at nagchikahan muna. Hindi nagtagal ay bumalik na si Jaguar.

"Tae di sinasagot ni Marya. Para sigurado isang deal na lang" sabi sa amin ni Jaguar.

"Eh paano un? Kami di namin kaya" reklamo namin sa kanya.

Tsanggala naman pwede i-fast forward na ulit natin baka naagnas na bangkay na tayo eh di pa rin to tapos.

Nang matapos ang aming meeting ay agad kaming nagtungo sa Rachel at nagpawarp sa Veins. Dito ay nagmuni muni muna kaming lahat at isa-isa na ring nagsi-alis. Ngunit inutusan pa ako ni Jaguar na magbukas ng Speed Potion Box at ipasa sa Merchant niyang auto-sell sa NPC ang mga Speed Potions. Pumayag naman ako para matuklasan ko kung gaano kahirap itong aming pinaggagawa.

Hindi nagtagal ay nadisconnect ang Merchant ni Jaguar. Hinintay ko pa to saglit ngunit hindi na to bumalik kaya napagpasyahan ko ng maglog-out at matulog.

Kinabukasan, nang ako'y maglog-in sa RO ay nakita ko si Saki.

"Pong, pumila ka na nakapila na ung akin nasa harapan pa nga eh" pagmamalaking sabi sa akin ni Saki.

"Tae mamaya na bosshunt muna tayo" pag-anyaya ko sa kanya.

Agad naman siyang pumayag sa aking alok at naghanda na kami sa boss hunt. Pagkatapos namin maghanda ay agad naming hinunt si Moonlight Flower. Hinintay pa namin itong lumabas ng kanyang lungga at ako'y nag-alt tab habang naghihintay. Pagkabalik ko sa RO ay agad tumambad sa akin ang nakahilatang HP ni Saki na aking gamit gamit. Maya maya'y napatay na rin ni Saki si Moonlight este ung Sniper pala ang nagMVP. Niresu ako ni Saki at agad akong nagwarp patungong Prontera.

Hinunt namin si Maya pagtapos namin paslangin ay hinunt naman namin si Phreeoni. Naglakad ako ng konti ng marating ko ang Hodes map nang biglang may sumalubong sa aking malaki ang dila na walang iba kundi si Phreeoni. Hindi man lang ito makabawas ng matino at ako'y umupo na muna habang hinihintay si Saki na ang tagal dumating. Pagkarating ni Saki ay natawa siya sa kanyang nakita (Para kasing Poring si Phreeoni eh). Agad niya itong pinaslang at syempre wala kaming nakuhang card.

Maya maya ay nagpm si Dem kay Saki at sinabing andun daw si Orc Hero sa West Orc. Agad naman itong sinabi ni Saki sa akin kaya kami'y dali daling nagtungo sa West Orc.

Nakita namin si Orc Hero at ilang saglit lang ay napabagsak namin ito.

"Walang card" sabi ko kay Saki.

"Oo nga malas" sabi niya sakin.

"Kunwari nakapulot tayo mag-gm ako" mungkahi ko sa kanya na agad niya namang sinang-ayunan.

"S> Orc Hero Card offer" GM ko sa YM.

Maya maya ay nag-IM sa akin si Dem.

"OH card ung drop?" tanong niya sa akin.

"Oo" sagot ko.

"Swerte ah ako nagsabi niyan kay Sak eh" sabi niya sa akin.

Makalipas ang labinlimang minuto.

"Oo, OH card kaso nga lang baliktad HO card pala" sabi ko kay Dem.

"Hahaha. Nag-aayos na kami eh, hinahanda na ung mga ibebenta para bibilhin namin yan sabay HO card pala" sabi niya sa akin.

At kami'y nagpatuloy na muli sa pagboss hunt ni Saki. Nalalapit na ang palitan ng ROFL kaya napagpasyahan na naming magtungo sa Veins. Napakahaba ng pila nasa bandang dulo na ako.

"Ayan kasi Pong kanina pa kita pinapapila eh" sabi sa akin ni Saki.

"Ayos lang yan saglit lang yan" sabi ko sa kanya.

At dito'y nilibang ko muna ang sarili ko sa pagsasalita mag-isa. Hindi nagtagal ay dumating na si Dok ngunit mas nauna pa siya sa aking kinalalagyan (Napakadaya).

Maya maya ay nagsimula na ang pinakapinapanabikang palitan ng ROFL. Biglang nagform ng 2 lines at agad akong pumila sa pangalawang linya.

Hindi nagtagal ay nagkaroon ng pangatlong linya kaya agad akong nagtungo dito kasama si Jaguar.

Nakapagpalit agad sina Saki at Tere habang nalalapit na kami ni Jaguar sa GM. Nang biglang ...

"Haha. ROFL lang dito dun sa kabila ung Armor" sabi ni GM ewan di ko na maalala ung name eh.

Kinabahan ako at nakaramdam na naisahan ako ngunit nagkanya-kanyang singit kami ni Jaguar sa pangalawang linya. Medyo nauna sa akin si Jaguar ng three heads. Maya maya ay natapos na makipagdeal ang nasa unahan at ito'y umalis na at umusad na ung nasa pangalawang pila para makipagdeal. Ngunit sa di malamang kadahilanan ay hindi gumagalaw ang nasa pangatlong pila kaya napagpasyahan kong iclick na sa 2nd spot ung akin at agad akong napunta dun.

"Hahahaha. Hayup sa singit Pong" tuwang tuwa sa galak na sabi ni Jaguar.

Habang ang grupo namin ay nagtatawanang lahat sa nangyari ay madami namang nagsumbong sa GM na singit daw ako ngunit sadyang mga nagbubulag-bulagan lamang ang mga ito. Nang matapos makipagdeal ang nasa unahan ko agad akong pumunta sa kanyang pwesto matapos niyang umalis. Ngunit hindi ako ang nakipagdeal sa GM kundi ung pumapangalawa sa akin.

"Waaa, mukhang nalaman niyang singit ako ah kaya di na niya inaccept ung deal ko" nangangambang sabi ko sa aking sarili.

Nang matapos ang deal ng nasa pangalawang pila ay agad kong dineal ang GM at ito'y kanyang tinanggap. Kaya nakahinga ako ng maluwag. Matapos ang naisagawang deal ko dito at makuha ang Flame Armor ay dumerecho na ako sa kabilang pila na kasalukuyan naman akong ipinila ni Saki at kami'y nagswap.

Maya maya ay nakuha ko na rin ang pinakahihintay na Ring of Flame Lord at ako'y kumain muna.

Pagkabalik ko ay ibinigay ko kay Jaguar ang ROFL at hinintay naming matapos si Dok at nagwarp na sa Prontera.

"Bukas na lang ung load mo Pong ha" sabi sa akin ni Jaguar.

"Dok hati tayo tig 100m para kay Tere" sabi ni Jaguar kay Dok.

At binigyan nga nila ng tig 100m si Tere at tinesting na nila ang bagong kuhang ROFL. Habang nasa Prontera ako ay biglang dumating si Erik.

"Oi Pong tapos na ung deal. Patingin na nung character mo loadan mo na" sabik na sabik na utos ni Erik sa akin.

"Tae bukas pa daw ung load sabi ni Jaguar" dismayadong sabi ko sa kanya.

"Ay tae, na-excite pa naman ako akala ko makikita ko na character mo" panghihinayang na sabi niya sa akin.

"Oo nga eh akala ko din magagamit ko na ngayon" wika ko.

"Natawa ako sa GM kanina sabi oi galaw galaw ung mga nakatingin sa kawalan diyan" sabi sa amin ni Freya na tuwang tuwa habang hindi ako natutuwa.

Kinabukasan ay hindi nagpakita sa akin si Jaguar kaya hindi na ako umasa.

Kinabukasan ulit pagkalog-in ko ay nakita ko si Erik.

"Pong wala pa din ung load?" tanong sa akin ni Erik.

"Wala pa eh, wala na un" sagot ko sa kanya.

"Tae, pwede naman kasi Pong sabihin na pilot na lang eh noh kahit wala ng load. Hindi ung pinapaasa pa sa load eh" sabi sa akin ni Erik.

"Oo nga eh, alam mo ung hindi lang ako ung umaasa na masisilayang muli ung character ko" sabi ko sa kanya.

"Akala ko pa man din makikita ko na talaga ung character mo eh" panghihinayang muli ni Erik.

Maya maya ay dumating sina Freya at Mayk at niyaya kami na ihunt si Orc Hero. Agad naman akong pumayag para mawala ang pagkabanas.

Nagtungo kami sa West Orcs at hinanap si Orc Hero pagkakita namin ay meron namang nagbuzz sa akin sa YM. Agad naman akong nag-alt tab para tignan kung sino itong nagbuzz.

Si Jaguar pala ang nagbuzz. Bigla akong nabuhayan ng dugo.

"Pong ito na ung load" sabi niya sa akin.

"Ayun tae" pananabik na sabi ko.

"Kaso 350 to Pong iload mo na lang tapos ung 150 gawin mong ROK points tapos ibili mo ng Speed Potion katulad ulit ng ginawa natin dati" sabi sa akin ni Jaguar.

"Tae gawin mo ng 250 ung akin para 1 month load" alok ko sa kanya.

Napa-isip pa si Jaguar at makalipas ang ilang minuto.

"Sige 250 na sa'yo pero tulungan mo kong buksan ung 10k ROk points dun sa isa kong account" sabi niya sa akin.

Pumayag ako at binigay na niya ang Card # at Pin ng load at agad ko itong niload sa aking MYLU. Agad kong niloadan ng 1 month ang aking account at niload sa ROK points ang natitirang 100. Sinimulan ko na ang pagbubukas ng Speed Potion. Kaya naging ayos din naman ang transaksyon sa bandang huli.

Trivia: Para sa kaalaman niyo gumastos ng sampung piso si Rain para sa Chapter na to hahaha.

No comments:

Post a Comment