Poll of the Random Day/Week/Month: Most Unforgettable Character/s

Sunday, October 4, 2009

Kabanata Labing-tatlo: Ang panghihinayang ni Erik by Pong

Katatapos lang ng isang maaksyon na War of Emperium at nanghingi si Erik ng load kay Rhaz para pang-unyt. 


Agad naman nagpasa ng load si Rhaz kay Erik at biglang nagtanong sa akin. 


"Pong, paano mag-unyt? (An nayt pa ang pagkakabigkas ni Erik)" tanong sa akin ni Erik. 


"Aba malay ko diyan, tanong mo kay Saki" sagot ko sa kanyang tanong. 


At itinanong na nga ni Erik kay Saki at sinimulan na niyang magregister. 


"Ang tagal naman ng confirmation" sabi sa akin ni Erik. 


"Request ka ulit" mungkahi ko sa kanya. 


At agad niya ngang ginawa ngunit sadya talaga atang matagal ang confirmation nang araw na iyon. Makalipas ang isang oras ay natanggap na ni Erik na pwede na niyang magamit ang kanyang Unlicalls Nyt (Anak ng pating magregister na lang kayo ng Unyt20 hirap magtype dito eh). At agad na niya akong tinawagan pati si Saki. 


*Kring* *Kring* ring ng aking cellphone at agad kong sinagot. 


"Teka lang ah icoconference ko lang" sabi sa akin ni Erik. 


Lumipas ang kalahating oras at hindi pa rin maconference ni Erik hanggang nadc na. Ilang saglit ay tumawag ulit siya. 


*Kring* *Kring* muling ring ng aking cellphone at agad kong sinagot. 


"Teka tae ang hirap iconfe" sabi sa akin ni Erik. 


Lumipas na naman ang kalahating oras at hindi pa rin maconfe ni Erik. 


Walangya pakibasa nga ulit ung line 12 magtatype na naman ako. Pagkatapos niyong basahin ay dumerecho agad kayo sa babang line nito. 


"Tae Pong ang hirap talaga teka" sobrang banas na si Erik. 


At makalipas ang ilang minuto ay naconfe niya rin sa wakas. 


"Ayun tae ang hirap mga nakaisang oras ako dun ah" reklamo sa amin ni Erik. 


Nagtawanan kami ni Saki at kami'y nadisconnect. 


Pakibasa ulit ang line 12. 


Mga limang minuto lang ay naconfe na ulit kami ni Erik. 


"Asar talaga nadisconnect naman" muling reklamo sa amin ni Erik. 


Nagtawanan kami ni Saki at pinatawag namin sa kanya si Freya. Agad naman niya itong tinawagan. Makalipas ang ilang saglit. 


"Network Busy eh" sabi sa amin ni Erik. 


"Sige tawagan mo lang, ganyan talaga yan minsan" sabi ni Saki. 


At sinunod naman ni Erik si Saki. Makalipas ang ilang minuto. 


"Ayaw sagutin" sabi sa amin ni Erik. 


"Ahh baka tulog na. Si Caz na lang tawagan mo" sabi ko kay Erik. 


At agad niya nga itong tinawagan at isinali sa confe. Nang kami'y mag-uusap na ay biglang nadisconnect. Maya maya ay nakatanggap ako ng text message kay Erik. 


"@#%$#^#$% naman ang hirap hirap iconfe sabay mapuputol lang. Makatulog na nga lang" sabi niya na labis labis ang pagkadismaya. 


Kinabukasan habang kami'y nakatambay sa Prontera nina Saki, Erik, Freya at Ned. 


"Tae nagsayang ako ng load kagabi ang hirap iconfe naddc pa" pahayag ni Erik. 


"Sabi nga ng mame ko kanina pagkagising ko may tumatawag daw sa akin, Erika ang name baka importante daw. Buti na lang Erika ang nakalagay na name mo dun Erik" sabi ni Freya. 


Nagtawanan kami sa mga pangyayari at napagpasyahang magBG na lang.

No comments:

Post a Comment