Poll of the Random Day/Week/Month: Most Unforgettable Character/s

Wednesday, October 21, 2009

September and October Poll Winners

September Poll Winner
Sino ang pinakaTUNAY

  • Freya - 8
  • Pong
  • Erik
  • Ned
  • Saki - 6

1st - Freya (8 votes)
2nd - Saki (6 votes)
*'Di ko na maalala ung iba. Nakalimutan ko isulat. Kung alam nyu sabihin nyu sakin. Thanks.


October Poll Winner (Duration: October 20-21, 2009)
PnkaTUNAY na Teknik
  • Ember Attack!!! - 1
  • 619 - 5
  • S>Boss Cards Fresh na Fresh Galing BH - 2
  • Anong pipiliin mo, sumagot ng poll na to o tumambay sa prontera? - 4
  • slash gee gee - 7
  • Text UNYT20 and send to 8888 - 4
  • Scamming, hacking, gulangan, indian-an, atbp. - 6
  • Leeching - 4
  • Guild na May Mukha - 4
  • EK daw tayo - 4
  • Calling Names (Ipis, Chanak, Bulate, Pagong, Biik, Oso, Jaguar, Zombie, etc.) - 9

1st - Calling Names (Ipis, Chanak, Bulate, Pagong, Biik, Oso, Jaguar, Zombie, etc.) (9 votes)
2nd - slash gee gee (7 votes)
3rd - Scamming, hacking, gulangan, indian-an, atbp. (6 votes)

Tuesday, October 20, 2009

Tropang Tunay Members Part 3

Eto na ang pinakaaabangang ika-tatlong parte ng mga Tunay na miyembro! Dokmon, JR, at Mayk!


TT # 7 Dok
Photobucket
Photobucket
Real Name: Richard Lawrence Donor
In-game name/s: Dok
Age: 23
Sex: M
Real-life occupation: Sopwer Debeloper
Favorite Job in RO: hwizzzzz, clown 
One wish in RO: Isang set ng godly equips =))
Favorite thing to do in RO: Mag-siege :)
Favorite Tropang Tunay moment/s: EB at tambay lang msaya na hehe
What can you say about Tropang Tunay? Tunay silang tropa T_T
Short Message: ULOL! (mrami p sana ako gusto sbihin kaso sbi short lang)


TT # 8 JR
Photobucket
Photobucket
Real Name: Raymond John Casero
In-game name/s: []Johnray[]/Raymond John/JohnrayJr./Super Johnray
Age: wakeke
Sex: Male
Real-life occupation: BUM (Caz's note: BUM na maraming pera!)
Favorite job in RO: Baby Novice
One wish in RO: To own Godly Equips
Favorite thing to do in RO: Tambay
Favorite Tropang Tunay moment/s: Memory Gap
What can you say about Tropang Tunay? Ang Tropang Tunay Ay Adek sa Tambay ;p
Short message:  Ang mag quit ULoL.


TT # 9 Mayk
Photobucket
Photobucket
Real Name: Mike Kenneth Ajon
In-game name/s: Lil`mayk
Age: 19
Sex: Male
Real-life occupation: Student
Favorite job in RO: Champ/Sinx/Paladin
One wish in RO: Maging RPC/RWC player Hahaha. (mukhang have faith ako dito sa wish ko)
Favorite thing to do in RO: Tambay, magAFK, tumulala.
Favorite Tropang Tunay moment: Unyt, lalo na ung time na nagkakantahan tayo. :)
"sa isang larawang kupas../ho"
What can you say about Tropang Tunay? Mga totoong tao! Totoong ugali nila makikita mo :)
Short message: I'm very grateful na nkilala ko kayo. ^^  Ingat lagi!

Thursday, October 15, 2009

Kabanata Dalawampu't Tatlo: Ring of Flame Lord by Pong

"Pong, gusto mo ng 200m?" alok sa akin ni Jaguar.

"Oo bakit?" agad na pagsang-ayon ko.

"Sige, pila mo ko sa ROFL event" sabi niya.

"Okay" sabi ko.

"Pong, anong gusto mo 200m o load?" tanong ni Jaguar.

"Load syempre" agad na sagot ko.

"Sige 200 load bibigay ko sa'yo ha sa Friday na yun" paalala niya sa akin.

Maya maya ay nagka-usap kami ni Saki.

"Sak, bibigyan daw ako load ni Jaguar ipipila ko daw siya sa ROFL event" sabik na sabi ko sa kanya.

"Pipila din kami eh, amin na daw ung ROFL sabi ni Dok" sabi niya sa akin.

"Anak ng pating naisahan ako dun ah load lang ung akin sa kanila ROFL na" nasabi ko sa aking sarili.

Maya maya ay umalis na si Saki at dumating naman si Erik at agad ko tong nilapitan.

"Erik, bibigyan daw ako ni Jaguar ng load" sabik na sabi ko sa kanya.

"Oh hindi nga! Bakit ka naman bibigyan?" nagtatakang tanong niya sa akin.

Monday, October 12, 2009

Kabanata Dalawampu't Dalawa: Ktullanux by Pong

Nagkayayaan kaming ihunt si Orc Hero. Kaya kami ay naghanda para dito at isinali ko sa party sina Mayk, Freya at Erik.

Nang tapos na kaming maghanda agad kaming nagpawarp sa Orc Dungeon at nagtungo sa West Orcville.

Nakita ni Mayk si Orc Hero ngunit siya'y natodas. Agad namang nakarating si Freya sa kinalalagyan ni Mayk ngunit natodas din siya. Ako rin naman ay nakarating din agad at tinangka ko silang iresu nang ako'y matodas din (Wahahahaha mga weak).

"Tae deds kami lahat Erik, resu nga dito" utos ko sa kanya.

"Ano ba yan deds kaagad tayo" sabi ni Freya.

"Sorry Chanak" sabi ni Mayk kay Freya.

"Ang cartoons natin" sabi ko sa kanila.

"Andito si Orc Hero sa gitna, dali punta kayo dito" sabi ni Erik.

Saturday, October 10, 2009

Kabanata Dalawampu't Isa: Tampuhan by Pong


Isang siege na naman ang magaganap sa mundo ng Midgard kaya naghahanda na si Saki magpasupply.

Nagpa-invite naman kaming dalawa ni Erik sa guild na Reunited at agad nagpasupply. Binigyan naman kami ni Saki ng supply.

At nagsimula na nga ang WoE. Ngunit agad nawala sa eksena si Erik.

"Taeng Erik un scammer. Hindi na makaka-ulit sa akin un sa susunod" sabi ni Saki na naisahan ni Erik.

Natapos ang siege na hindi na muling nagparamdam si Erik (Talagang naisahan ng todo si Saki).

Lumipas ang mga araw at panibagong siege na naman ang magaganap kaya naghandang muli si Saki ng supply. Sumali ulit kami ni Erik sa Reunited at nagpasupply.

Kabanata Dalawampu: Chocola at ang Kanyang Alipores by Pong

Malungkot kaming naghihintay ni Erik ng makakaparty sa Lighthalzen ng sabihin ni Rhaz sakin na gagamitin niya raw ang kanyang Soul Linker. Agad akong naggroup message sa YM.

"Need Gypsy at Bio sa Biolabs package deal now na" naGM ko imbes na kay Caz at Saki lang dapat ito.

Ngunit lumipas ang kalahating minuto ng hindi man lang nagrereply. Umasa pa naman ako na excited sila dito. Maya maya'y nakakita ako ng Biochemist at agad kong inimbita sa party.

At agad na kaming lumarga ngunit napabalik ako dahil nakakita ako ng Clown na nakapub na nagngangalang Chocola. Inimbita ko sa party ang Paladin at si Chocola na nangangailangan ng party at tuluyan ng lumarga.

Nauna na kami nina Erik, Rhaz, ung Bio at Paladin habang may hinahanda pa daw si Chocola.

Ang sarap ng pagpapalevel namin dahil may Paladin kaya tipid ako sa pots. Biglang dumating si Chocola na agad nag-Bragis kasama ang tatlong High Priest na bot na kanyang alipores.

Nagulantang ako sa aking nakita napakaraming High Priest na support nun kaya lalong sumarap ang aming party.

Friday, October 9, 2009

Kabanata Labinsiyam: Guild na May Mukha by Pong

Pagka-online ko sa Ragnarok ay agad akong kinausap ni Caz.

"Pong, favor nga pajob 50 mo ung High Mage ko" paki-usap ni Caz sa akin.

"Okay" walang pag-aalinlangan kong sagot.

"Sa Nightmare kayo palevel si Mayk ung support mo, kakain lang ako" sabi ni Caz sa akin.

At agad kong nilog-in ang High Mage ni Caz.

"Ano na lola?" tanong ni Mayk sa akin na akala ako si Caz.

"Pong to, tara na" sabi ko.

At agad kaming nagtungo sa Geffen Dungeon. Nagpatama ako sa mga yokababs dito (Kabayo baka hindi maintindihan ni Freya eh) dahil naka DL Shoes naman at kusang nagcast ng Meteor Storm at dali-daliang namatay ang mga yokababs.

Kabanata Labing-Walo: Si Quaker by Pong

Hindi ko sukat akalain na marami pa ring magpapalevel kahit na ang binigay na mod exp ay napakabarat. Kaya heto rin kami ni Erik matiyagang nagpapalevel ng aming character (Ang masaklap hindi aking character ung pinapalevel ko eh).

Agad kaming nakakita ng kaparty kaya kami'y nagsimula ng magpalevel. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay sumalubong sa amin si Lord Knight Seyren (Yung level 99 lang ah) at nagmistula lang kaming mga kutong lupa dito.

Ang sarap ng higa ng mga tao sa portal kasama kami kaso medyo nakalayo kami pero ganun rin, nakatiwangwang din.

Maya maya ay may dumating na back-up na dalawang High Priest. Sinabihan namin na may level 99 at nagpaparesu na kami. Niresu ng isang pari ang ibang nakahilatang tao.

"Ate, paresu" hiling ni Erik sa isang High Priest na nagngangalang Quaker.

Hindi pinapansin ni Quaker si Erik at habang nagreresu ang isang HP ay sumalakay si Lord Knight Seyren at agad tumiwangwang ang mga niresu at nadamay pa ang isang HP. Kasalukuyan namang nagbebless si Quaker sa kanyang sarili.

"Paresu na" utos ni Erik kay Quaker ngunit nanatili itong matigas.

"Resu na muna. Bat ka nagbabuffs isang tirahan ka lang niyang LK" sabi ko kay Quaker.

Nagcast ng Assumptio si Quaker sa kanyang sarili habang nilapitan siya ni Lord Knight Seyren at hinampas at natumba sa kinatatayuan.

"Ayan kasi ayaw kasi magresu" reklamo ni Erik kay Quaker.

"Bakit kita ireresu? Close ba tayo?" sabi ni Quaker na first time pa lang ata makatuntong ng Biolabs kay Erik.

Natawa kami sa sinagot ni Quaker at maya maya'y may dumating na back-up. Ito ay mga tunay na back-up hindi katulad ni Quaker na pekeng back-up. At agad niresu ng HP ang mga nakahiga at pinaslang na ang walangyang LK.

Pinagpatuloy na naming magpalevel habang marami pang sinasabi si Erik.

"Taeng Quacker un ayaw magresu eh" sabi sa amin ni Erik.

"Oo nga eh mas pinili pang mag-Assumptio kesa magresu" sabi ko.

"Anong mas pipiliin mo Pong kung ikaw si Quacker (Akala niyo typo ung kanina noh, Quacker talaga ung sabi ni Erik as in pato *quack quack*) mangresu o mag-Assumptio?" tanong sa akin ni Erik.

"Syempre mag-Assumptio na" sagot ko kay Erik.

At kami'y nagpatuloy ng magpalevel. Kinagabihan ay sumama sina Freya sa aming pagpapalevel at may ininvite pa ako sa party na Bio na nagngangalang Neclord (Oi Suikoden, ung mga hindi makarelate sa sinabi ko, aba manigas kayo diyan).

Pagkapunta naming Biolabs level 3 ay agad akong nagtungo sa kaliwa ngunit kitang kita ng aking mga mata ang MVP (Hindi ko alam kung sino ung MVP basta merong MVP. Wag na kayong pumalag).

"Baba may MVP diyan sa left" agad na paalala ko sa aking mga kasama.

Ngunit nanatiling manhid si Neclord at pinagpatuloy pa rin pumunta sa kaliwa. Maya maya ay nakita sila ng MVP at isa-isang pinagpapaslang. Kasalukuyan naman akong nasa baba ng biglang nag-Soul Destroyer sa akin si Eremes at ako'y humilata. Nakita ito ng papalapit na Bio at pinaslang si Eremes.

"Tinatangke lang yan ate" sabi sa akin ng Bio at naglakad na papalayo.

"Hubaran kita ng gamit diyan, ewan ko lang kung kaya mong tangkehin yan" sabi ko sa aking sarili dahil naka-alis na ang napakahambog na Biochemist na un.

Dahil sa badtrip na Neclord na un ay nagkandaleche leche ang party namin at napagpasyahan na lamang na tumambay sa Prontera.

Maya maya'y napagpasyahan ko na muling magpalevel kasami si Anne. Ang ganda ng takbo ng aming pagpapalevel. Nang biglang ...

"Kuya Pong, alis muna ako. Palitan na lang muna ako ng sis ko" paalam sa akin ni Anne.

"Sige" pagsang-ayon ko sa kanya.

"Tara balik muna sa portal" sabi niya sakin.

Nang kami ay nasa portal na ay naghintay muna kami ng mga limang minuto hanggang sa dumating si Quaker.

"Ito na ung sis ko Kuya Pong" sabi sa akin ni Anne.

"Ay ayan ba?" tanong ko kay Anne.

"Ay ayaw ko diyan" sabi ni Quaker (Aba siya na nga lang ung nangangailangan ng party, nag-iinarte pa. Nagmamaganda ba naman).

Pero siya ay sumali rin sa aming party (Ang dami pang nalalaman eh sasali din pala). Matiwasay naman kaming nagpalevel hanggang sa mapagod at itinigil na.

Nung sumunod na araw ay nakita ko si Erik.

"Pong tae may itsura si Quacker" sabi sa akin ni Erik na sabik na sabik.

"O? Ano ngayon" sabi ko kay Erik na walang kainte-interes.

"Tae Pong may itsura si Quacker, chubby lang pero may itsura" muling sabi ni Erik.

Wednesday, October 7, 2009

Kabanata Labimpito: Max Fritzkie, ang dakilang traydor by Pong

Maagang naglaro si Erik para magBiolabs at nakiparty sa mga di kilalang tao kasama si Max Fritzkie *tenen*.

Nagpalavel si Erik kasama ang mga di kilalang nilalang na ito. At makalipas ang isang oras ay may isinali si Max na panibagong High Priest.

Nagpatuloy si Erik kasama ang mga di kilalang nilalang sa pagpapalevel hanggang sa may isang High Priest na gustong sumali. Dahil sa tatlo na ang High Priest ay napagdesisyunan ni Max na siyang leader ng party, na sipain si Erik sa party na mas nauna pang nasali sa pangalawang High Priest.

Kaya nanlumo si Erik na bumalik sa Lighthalzen at naghanap ng panibagong party. Kasalukuyan naman akong naglalog-in.

Pagkalog-in ko ay nakita ko sina Erik at Anne na gamit si Urumi Kanzaki-chan na kanyang HP kaya agad ko silang inimbita sa party (Ganun talaga dapat). Nakakita rin ako ng dalawang Biochemist at agad ko ring inimbita sa party.

Sinimulan na naming magpalevel sa Biolabs. Smooth na smooth lamang ang aming laro. Lahat ay nagagampanang mabuti ang kani-kanilang trabaho.

Dahil sa kasagsagan ng aksyon ay Safety Wall ako ng Safety Wall at maya maya'y biglang yumuko ang Prof ni Freya na aking gamit gamit.

"Tae ano un Pong? Combat Knife" tanong sa akin ni Erik.

"Huh! Malay ko may napulot ba ko?" tanong ko sa kanila.

"Oo, yumuko kaya ung Prof mo nadampot ng di pa lumalapag sa lupa" sabi ni Erik.

"Combat Knife ata un tae" panghihinayang ni Erik.

"Katar tae! Specialty Jur to" sabi ko kay Erik.

"Ahh ganun ba. Akala ko Combat Knife eh" sabi sa akin ni Erik.

"Combat Knife eh si Sniper Cecil nagdadrop nun ung MVP. Asa naman haha" sabi ko kay Erik.

At kami'y nagpatuloy na sa pagpapalevel. Hindi nagtagal ay napagpasyahan ng kumain muna ng aming Biochemist na kaparty. Kaya kami ay pumunta muna sa Lighthalzen.

Nagpub na rin ako at naghanap para sa bagong Biochemist para kami'y magpatuloy magpalevel (Hayok na hayok na eh). Nasa pub kaming tatlo nina Erik at Anne na nag-uusap.

"Sino yang HP na yan?" tanong ni Erik.

"Si Anne yan ung kaparty nating Bard kahapon" sagot ko kay Erik.

"Ahh babae pala yan" wika ni Erik.

"Anne may YM ka?" agad na tanong ni Erik ng malaman niyang babae ang aming kasama.

"Meron" sagot ni Anne.

"Anong YM ID mo? Add kita" tanong ulit ni Erik para madagdagan ang chicks niya sa YM.

"Sige! Pwede ung YM na lang ng boyfriend ko si Mark" mungkahi ni Anne.

"Ay wag na pala. Di pala ako nakalog-in sa YM" agad na tanggi ni Erik sa mungkahi ni Anne.

"Tae Pong YM ng boyfriend ibibigay sakin, lalaki un eh buti sana kung babae eh (Kaya nga boyfriend eh alangan babae un)" bulong ni Erik sa akin.

Ako ay natawa na lamang sa aking nasaksihan.

"Tae nasa YM si Sak, sabihan ko siya para siya Bio" paalam ko kanila Erik.

"Sige Pong. Sabihin mo nakapulot tayo ng Combat Knife" paalala sa akin ni Erik.

At agad akong nag-alt tab para kausapin si Saki sa YM.

"Sak, Biolabs tayo Bio ka. Nakapulot nga pala kami ng Combat Knife" sabi ko kay Saki na umaasang sasabihan ako ng isang malutong na ASA.

"Mamaya na ko magpapalevel. Nakapulot kayo swerte niyo naman. Magkano yan?" sabi sa akin ni Saki na paniwalang-paniwala na nakapulot nga kami ng Combat Knife.

At agad akong nagbalik ng RO para sabihin kay Erik na hindi pa magpapalevel si Saki at sinabi ko rin na paniwalang-paniwala ito sa aming Specialty Jur AKA Combat Knife. Napagpasyahan naming ipagpaliban muna ang pagpapalevel.

Makalipas ang dalawang oras ay naglog-in na ako sa RO at nakita na naman si Erik at isang Biochemist kaya agad ko silang ininvite sa party. Masaya kaming nagpapalevel na tatlo sa Biolabs ng bigla kaming mamob ng kalaban at kami'y namatay at nagbalik sa Lighthalzen.

Nakakita kami ng isang High Priest na nakapub na nagngangalang Max Fritzkie.

"Ate, pwede po bang sumali sa party niyo. Sige na po please please nagmamakaawa ako" pagmamaka-awa ni Max Fritzkie sa akin.

"Nagmamaka-awa sa akin ung High Priest" sabi ko sa aking mga kasama.

"Tae sa akin din nagmamaka-awa" sabi sa amin ni Erik.

"Isali ko na nakakaawa eh" mungkahi ko sa aking mga kasama at agad isinali si Max sa aming party.

Nagpatuloy kami sa pagpapalevel hanggang sa nawala ang aming Biochemist na kasama. Kaya kaming tatlo ay umuwi munang Lighthalzen para kumuha ng panibagong Biochemist.

Habang naghihintay kami sa panibagong Biochemist ay nagleave ng party si Max Fritzkie at sumali sa ibang party. Nanatili kaming hindi kumikibo ni Erik (Alam niyo ung mukha ng naisahan?).

"Walangya un ah isinali ko sa party namin kanina kasi nakakaawa sabay iiwanan kami sa ere" nasabi ko sa aking sarili.

"Sumosobra na talaga to eh. Nakakadalawa na sakin tong Max Fritzkie na to eh" nasabi ni Erik sa kanyang sarili.

Nagpalipas muna kami ng oras. Hindi nagtagal ay nagpalevel na rin si Saki at agad kong isinali sa aming party.

Nauna na si Saki sa Biolabs habang naghahanda kami ni Erik.

"Pong may sasali daw ditong High Priest" sabi sa amin ni Saki.

"Sino yang High Priest na yan?" tanong ko kay Saki.

"Max Fritzkie ung name eh" sagot ni Saki.

"Walangya yan ung nang-iwan sa amin kanina ah" sabi ko sa aking sarili.

At kami'y nagtungo na ni Erik sa Biolabs at nakita si Max Fritzkie.

"Ate sali ulit ako sa party niyo. Sige na ate please" muling pagmamaka-awa ni Max sa akin.

Nagdalawang-isip pa ako pero naisali ko rin ito sa party sa sobrang awa sa kanya. At kami'y nagpalevel na ngunit malas ata kami ngayon at palagi kaming namamatay (Hindi kaya dahil kay Max Fritzkie un).

Nakailang beses kami pabalik balik sa Lighthalzen hanggang makita namin ang isang mahusay na party. Humiwalay kami dito ngunit nawala sa aming paningin si Max Fritzkie at maya maya'y nagleave.

"Tae bat mo kasi sinali un Pong? Kanina pa ung traydor na un eh" sabi ni Erik sa akin na punong puno na kay Max Fritzkie.

"Tae nun di na makakaulit un" wika ko.

At kami'y nagpatuloy na sa pagpapalevel. Maya maya ay nakasalubong namin ang mahusay na party na kasama si Max Fritzkie sa party nila.

"Anak ng ... nakakita lang ng magaling na party iniwan na naman kami sa ere" sabi ko sa aking sarili na naisahan na naman ni Max Fritzkie.

Kabanata Labing-Anim: Anong mas pipiliin mo Biong may leech o Biong bobo? by Pong

Napag-alaman ko na ang modified experience palang ibibigay ay 1.5 kesa sa kumakalat na balitang x2. Agad akong nanlumo ng malaman ko ang balitang ito (Napakabarat ba naman ng mod exp).

Pagkatapos ng maintenance ng Ragnarok ay agad akong naglog-in. Ginamit ko ang Biochemist ni Caz at namataan ko ang isang Biochemist na pamilyar sa akin.

"Kumusta ako to ung may gamit ng Caazi dati" bati ko sa kanya.

"Ahh ikaw pala yan Caazi" bati niya sa akin.

"Hindi ako si Caazi, pilot lang ako. Ako si Pong" pagpapakilala ko sa kanya.

"Ahh. Kuya Pong sa tingin mo mabenta kaya ung AFMB? (Advanced Field Manual Box para sa mga hindi nakakaalam. Ang gamit nito ay pampadoble ng experience na makukuha sa kalaban)" tanong niya sa akin.

"Hindi ko alam" sagot kong napakaganda.

"Si Hsienko?" paghahanap ko sa kanya.

"Ewan nagbabakasyon" sabi niya sa akin.

"Ano nga pala pangalan mo?" tanong ko sa kanya.

"Anne, pero di sa akin tong Bio kay Mark to" sagot at paliwanag niya sa akin.

"Ahh teka palit lang ako sa Prof ah" paalam ko sa kanya.

"Sige Kuya Pong magvend muna ako dito" paalam niya rin sa akin.

Nilog-in ko ang Professor ni Freya at nagtungo sa Prontera. Muli kong namataan si Anne at binati ko siya.

"Ito na ko" sabi ko sa kanya.

"Waaa! Ikaw pala yan nakaparty ko yan nung nakaraang mod" gulat na sabi niya sa akin.

"Di nga. Di ko matandaan na nakaparty kita" sabi ko sa kanya.

At siya'y nawala. Maya maya ay may lumapit sa aking Bard.

"Ito ako Kuya Pong" sabi niya sa akin.

"Waaa! Nakaparty ko nga yan, nakaparty rin yan nung Bio ni Caz ah" gulat na sabi ko habang naaalala ang nakaraang mod exp.

"Akalain mo nagkita na pala ulit tayo nung nakaraan" nasabi ko sa kanya.

At kami'y nagtawanan at nag /gg ako.

"Waaa! /gg na naman" sabi niya sa akin.

At tinadtad ko siya ng /gg.

"Teka lagay ko lang sa shortcut" paalam niya sa akin.

Maya maya ay nag-/gg na rin siya. At kami'y nag-/gg ng todo (/gg isa itong emoticon sa Ragnarok na kung tawagin ay Good Game pero pag nakita mo ang itsura nito ay mistulang may masamang binabalak hahaha).

Maya maya ay dumating na si Erik at napagpasyahan na naming mag palevel sa Biolabs. Ngunit makalipas ang ilang minuto ay umalis ang aming nakuhang Biochemist kaya kami ay naghanap muna sa Lighthalzen.

Dito kami ay naghintay ng darating na Biochemist. Maya maya ay may nagpm sa aking Biochemist.

"Ate, pwede po ako kaso may leech akong kasama?" tanong ng Biong may leech.

"Teka tanong ko lang sa mga kasama ko" sagot ko sa Biong may leech.

"Pong, may nagpm sa aking Bio may leech daw. Asa naman isipin mo un may leech pa huwag mo invite" sabi sa akin ni Erik dahil sinabihan din pala siya.

"Ayaw eh" sabi ko sa Biong may leech.

Kaya kami ay naghintay pa ng darating na Biochemist.

.....

*Insert blow of wind in here*

.....

Makalipas ang isang oras.

"Anak ng tinapay naman kanina pa kami dito ah. Ang arte kasi nito ni Erik, masipa na nga to sa party may HP naman dito na nangangailangan ng party invite ko na lang to pati tong Biong may leech. Sabihin ko muna kay Anne" sabi ko sa aking sarili habang nababanas na.

Sasabihin ko na dapat kay Anne ang aking naisip ng may makita akong Biochemist na nangangailangan ng party. Agad ko tong ininvite sa party at kanya namang tinanggap. Kaya kami ay nagsimula ng magpalevel.

"Tara na! Kanina pa tayo dito eh" nagmamadaling sabi ni Erik.

At kami'y nagtungo na sa Biolabs level 3. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay napakabagal palang bumato nitong Biochemist na aming nakuha (Grabe 10 seconds delay eh, may Bragis pa kami sa lagay na yun ah).

Hirap na hirap kaming nagpapalevel dito sa Biolab dahil sa nakuha naming Biochemist na pagkatagal tagal bumato.

"Kuya Pong, kawawa tayo sa Bio na to" sabi sa akin ni Anne.

"Tae Pong! Ang bobo ng Bio na to" reklamo sa akin ni Erik.

Maya maya ay sumulpot si Kathryne Keyron sa aming harapan at agad kong pinalitan ang kanyang elemento sa tubig. Ngunit sadyang matagal bumato itong nakuha naming Bio at hinintay pa akong matepok bago niya ito binato.

Kami ay nagpatuloy sa pagpapalevel kahit hirap na hirap na kami hanggang sa lumabas si Cecil Damon. Agad akong nagcast ng Double Bolt at tinadtad ng Fire Bolt si Cecil.

"Tae bakit ka nagfafire bolt. Magfog wall ka" reklamo sa akin ng kasama naming Biochemist.

"Di ka tatama pag nakafog" sagot ko sa Biong Bobo na aming kasama.

"LP lang kaagad" sabat ng Bio (Tae mas marunong pa sakin eh, hindi kaya nawawala ung Fog Wall sa Biolabs kahit gamitan pa ng Magnetic Earth. Alam ko Land Protector dapat pero mas astig kaya pakinggan ung Magnetic Earth bigkasin mo pa)

Napaslang ko pa ang walangyang Cecil ng di man lang ako tinulungan ng mareklamong Bio kaso hindi rin nagtagal at hindi na namin kinayanan pa ang lubusang pagpapahirap sa amin ng aming Bio na kasama at kami'y nawipe out.

Pagkabalik namin sa Lighthalzen ay nagleave na ang Biochemist.

"Walangyang Bio yun 10 seconds delay eh" reklamo ni Anne sa akin.

"Tae Pong! Ang bobo ng Bio na un sana ung Bio na may leech na lang kanina sinama natin eh" sabi sa akin ni Erik.

"Tae mo dami dami mo kasing arte. Alam mo bang sisipain na dapat kita kanina para isali ung Biong may leech kaso dumating pa ung Biong bobo na un" reklamo ko kay Erik.

"Hahaha. Mas magaling pa nga ung Biong may leech na un nakaparty na natin un last time eh" sabi sa akin ni Erik.

"Anong mas pipiliin mo Pong Biong may leech o Biong Bobo?" tanong sa akin ni Erik.

"Biong Bobo na syempre" sagot ko sa tanong ni Erik.

"Syempre" pagsang-ayon sa akin ni Erik.

Kabanata Labinlima: Linlang by Pong

"Halos hindi ako makahinga" aking nawika sa Prontera.

"Uhaa Uhaa" ngawa ni Freya.

"Kayakap ko ang bote ng tequila" sabi ni Freya.

Tinuloy tuloy ni Freya ang pagrarap (Naks rapper haha) hanggang sa "Ika'y mahal ko rin" habang ako'y tawa ng tawa.

Maya maya ay napagpasyahan ko magBG at iniwan sa Prontera si Freya habang naaadik sa kantang Kabet.

Wala pa akong kakilala dito sa loob pero meron ng mga tao kaya ako'y naglaro na din. Kulang pa kami at naghihintay pa ng ibang player para mapuno ang pub.

"Tagal naman magshout na kayo" inip na sabi ng isang babae sa pub na nagngangalang ... (Haller! nalimutan ko na kaya ung pangalan, huwag niyo na kong pahirapan pang alalahanin).

"Ate taga san ka po?" tanong ng isang lalake na nasa pub na ang pangalan ay ... (Naku ito na naman tayo pwede bang wag mapilit ha) dun sa babaeng unknown name.

"Taga Cavite ako" sagot ng babaeng hindi alam ang pangalan.

"Ahh taga Manila ako ate eh. Ate! Ilang taon ka na?" tanong ulit ng lalakeng hindi alam ang pangalan.

"Ako 19" walang pag-aalinlangang sagot ng babaeng hindi alam ang pangalan.

"Ahh, ako 20, anong year mo na ate?" tanong ulit ng lalaking hindi alam ang pangalan (Ako nababanas na, paulit-ulit ko tong tinatype ha).

"4th year na ko" sagot ng babaeng hindi alam ang pangalan.

"Ahh, magkano po ba ang minimum diyan?" tanong ulit ng lalaking walang pangalan.

"Huh! ahmm di ko po alam eh. Di pa ko nagtatrabaho" nawirduhang sagot ng walang pangalan na babae (Sinayang lang nila oras ko wala palang patutungahan ang usapang ito. Nagtataka kayo kung bakit ko to isinama. Aba syempre pampahaba yan noh).

Maya maya ay nakumpleto na ang tao sa pub at nagsimula ang ang kinasasabikang BG. Nang ako ay makalimang rounds ay lumabas muna ako at nagtungo ulit sa Prontera.

Dito ay nakita ko sina Erik at JR.

".2 na lang JR, maglelevel na ko" sabi ni Erik kay JR.

"Mag-99 na ba yan?" tanong ni JR kay Erik.

"Oo" sagot ni Erik.

"Teka mag-aayos lang ako ng gamit" sabi ni JR at umalis na para maghanda ng todo.

"Oi anong gagawin niyo?" tanong ko kay Erik.

"Magpapalevel kami sa Biolabs maglelevel-up na ko eh, .2 na lang" pagmamalaking sagot sa akin ni Erik.

Agad kong tinignan sa Guild ang High Priest ni Erik at nakita ko ito'y level 97.

"Ahh mag-98 na pala yan sama ako" sabi ko kay Erik.

"Sige gawa ka na ng party" sabi sa akin ni Erik.

Lingid sa kaalaman ni Erik na kami'y magkaparty na at maya maya'y dumating na si JR at inimbita ko sa Batang May Laban party. At nagcast na ng Warp Portal si Erik patungong Lighthalzen.

Panandalian muna kaming nagKafra para maghanda sa bakbakang aming kahaharapin. At ng handa na ang lahat ay agad namin tinungo ang Biolabs level 3. Sumalubong sa amin si Seyren Windsor at pinaslang kami habang nagloloading pa lamang.

"Anak ng deds kaagad" sabi ko habang nag/swt si JR.

"Haha teka balik ako" sabi sa amin ni Erik.

Makalipas ang tatlong minuto ay nakabalik na si Erik at niresu kami at pinaslang na namin ang walangyang Seyren. Agad kaming nagtungo sa itaas. Dito ay tumambad sa amin si Kathryne Keyron agad ko siyang chinange element sa tubig at hinagisan ng Acid Bomb ni JR at ito'y natodas.

Tumuloy na kami sa pagtaas ng may sumalubong na Eremes Guile pero walang kahirap hirap lamang itong pinaslang ni JR at nag-levelup na si Erik.

"Tae ambilis naman" sabi ko na nabitin sa laban.

"Bakit walang ilaw?" tanong ni JR.

"98 pa lang yan eh" sabi ko kay JR.

"Akala ko ba mag-99 na yan?" tanong ni JR

"Gawa gawa ko lang yun syempre para pumayag ka" sagot ni Erik.

"Warp na" utos ni JR na naisahan ni Erik.

At agad nagwarp si Erik patungong Prontera. Kaming tatlo ay nagsipasok sa warp at napagpasyahan namin ni Erik na magBG.

Pagkapasok namin sa BG ay nakita namin sina Tere at Idol Providence na isang High Merchant at agad ko silang isinali sa aming party.

Nag-usap usap muna kami sa labas habang naghihintay sa BG.

"May mod exp bukas wala na namang BG" sabi ko.

"Oh bakit wala?" tanong ni Erik.

"Syempre magpapalevel ang mga tao" sagot ko sa kanya at agad naglabasan ang mga nagBG sa Tierra.

Agad naman kaming nag-enter enter at nakapasok naman kaming lahat.

Nagdef kami ni Tere habang sinamahan ni Erik bumasag si Idol Providence. Hindi nagtagal ay nabasag rin ni Idol Providence ang depot ng kalaban (Sana nakita niyo kung gaano kabilis humampas to).

Nakailang rounds kami sa BG at napagpasyahan ko ng matulog habang inadik nina Erik at Tere ang BG at sila'y aking iniwan.

Pumunta muna ako sa Prontera at nakita ko sina Saki at Caz na nakatambay. Kaya nakipagkwentuhan muna ako sa kanila.

"Teka inom muna ako ng Bear Brand" sabi ko sa dalawa kong kausap.

"Dapat Nido" mungkahi ni Saki.

"Mahal ung Nido" sagot ko kay Saki.

"Ano ba naman yang gatas niyo" panlalait sa amin ni Caz.

"Bakit Caz anong gatas mo?" tanong ko sa kanya.

"Fresh Milk" sagot ni Saki kahit di siya ang aking tinatanong.

Biglang tumawa si Saki at nawindang kami ni Caz. Mistulang nababaliw na ito kaya tinanong namin ang dahilan.

"Para kasing ang pangit pakinggan nung Fresh Milk tapos tanong pa ni Pong, Caz anong gatas mo? Hahahaha" pagpapaliwanag ni Saki sa amin kahit di ko pa mahinuha samantalang nagets agad ito ni Caz.

Maya maya ay nahinuha ko na rin ang ibig sabihin ni Saki tungkol sa Fresh Milk (Ayoko sabihin dito kayo ng bahalang mag-isip noh).

Sunday, October 4, 2009

Kabanata Labing-apat: Battlegrounds and the Mighty Pit~Vull by Pong

Kasalukuyang naadik si Erik sa Battlegrounds kaya parati na akong may kasama pag naglalaro nito. Naghihintay kaming tatlo sa labas nina Erik at Tere para sa susunod na round sa BG Tierra. 


Kami naman ay agad nakapasok at nanalo kaya agad kaming nagsibalik sa babang hintayan ngunit meron pa itong cool down ng mga ilang minuto kaya sa susunod na batch na kami makakasama. 


Maya maya ay natapos na ang laban at pwede na kaming magsipasok ngunit ako'y naiwan. Nalulungkot akong umakyat at ako'y nakapasok dito. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay nanalo ang team naming Guillarme at ako'y natuwa. Buti na lang at naiwan ako sa baba. 


Maya maya ay lumabas na rin si Pit~Vull at agad kong isinali sa aming party na Batang May Laban. 


Maswerte at nakapasok kaming tatlo nina Tere at Pit~Vull ngunit naiwan si Erik at siya naman ang nalulungkot na umakyat sa taas. 


Napagpasyahan naming magdef na tatlo. Maya maya ay nagtungo doon sa aming depot si Erik at sinilip kami habang tumatawa. Hindi niya alam ang kasalukuyang paparating na panganib sa kanyang buhay. Nalapitan siya ni Pit~Vull at agad pinaghahataw ng kariton at siya'y kinain ng lupa. 


Ngunit sadyang hindi ata naaayon sa amin ang swerte. Dumating ang Clown na ubod ng bilis humampas at nabasag ang aming depot. 


Maya maya ay nagsawa na rin akong magBG kaya ako'y natulog na lamang. 


Kinabukasan ay napagkasunduan ng mga BG players na maglaro ng Flavius kung saan naghahari-harian si Pinky (Isang Paladin na hinahabol ng lahat kung saan siya magpunta pwera lang ako) 


Palagi kaming nagkakasagupa ni Pinky at ito'y aking hindi pinapakawalan at palagi pang inuubos ang kanyang SP. 


Ngunit sadyang mga talunan ang aking mga kakampi. Dahil wala sa amin si Pinky ay tinatamad silang magsigalaw kaya nababalewala lang ang aking paghihirap at kami'y natatalo. 


At natapos na ang ilang round sa BG ng bigla akong maiwan. Nagmuni-muni muna ako habang naghihintay hanggang sa ako'y maihi at napagpasyahan na ilabas muna ito sa banyo. 


Matapos kong umihi ay agad ako nagtungo sa aking computer. Nakita ko sa screen na nagpapasukan na ang mga susunod na batch at naiwan na naman ako. 


Kaya napagpasyahan ko na hintayin na talaga ito. Nang biglang dumating si Caz at kami'y nagkwentuhan. Maya maya ay dumating si Erik at may itinanong sa amin si Caz habang kasalukuyan kaming nagtatype para sa sagot na itinatanong ni Caz ay agad nagsipasok ang mga susunod na batch sa BG at kami'y naiwang tatlo (Anak ng tinapay talaga sobrang nakakainis maiwan eh). 


"Ay tae naiwan na naman" sabi ko na sobrang asar na. 


"Tae si Caz kasi kinausap pa tayo" asar na sabi ni Erik habang ibinabaling ang sisi kay Caz. 


"Oo nga syempre kaibigan ka namin sasagutin ka namin, yan tuloy naiwan kami dahil sinagot namin tanong mo" sabi ko kay Caz. 


"Huh! Ewan ko sa inyo" sabi sa amin ni Caz na naiirita na din. 


"Grabe un Pong noh. Naiwan tayo dahil sa kinausap natin ung kaibigan natin" sabi sa akin ni Erik. 


"Oo nga eh, ang masaklap pa dun dalawang beses ako naiwan eh dahil pa sa kaibigan ung isa (Sa katunayan tatlo nga eh)" pagsang-ayon ko kay Erik. 


"Hay naku magsitigil nga kayo" sabi sa amin ni Caz. 


At hinintay na talaga namin ang susunod na batch at ng magsilabasan na ang mga naglalaro ay dali dali kong kinausap ang gwardya at agad pumasok sa pub. 


Sa wakas at nakapasok na din ako kasama si Erik. Nasa kabilang team na naman si Pinky kaya ito'y di ko na naman pinakawalan. Maya maya ay may nabasa akong salita sa isang kakilala. 


"Ho ho ho! Galit na galit si Pinky sa'yo Pong unahin daw ung Prof haha" sabi ni Pit~Vull na nakaparty send dahil nasa party namin siya na Batang May Laban. 


Maya maya ay palagi na akong nilalamutak ng mga kampon ni Pinky (Grabe isang salita lang ni Pinky nagsunuran agad ang mga kapit niya). 


Maya maya ay napagpasyahan naming magkakakampi na kunin ang Guardian ng kalaban at ako'y sumama sa kanila. Sumalubong sa amin ang rumaragasang si Pit~Vull at nagmistula kaming mga kuto na sinuyod nito. Nagsibalik kaming lahat sa base sa loob lamang ng ilang segundo (Langyang Pit~Vull yan, Bulldozer eh). 


Kami ay natalo sa laban na iyon at napagpasyahan ko na muling matulog. 


Kinabukasan pagka-online ko ay nakita ko ang mga fans ni Candy na sina Saki, Freya, Kate at meron pang iba. 


"Tara Pong pagtripan natin si Candy" pag-anyaya sa akin ni Freya. 


"Tae wala naman ginagawa sakin yan bat ko pagtitripan yan, hindi naman kami close para pagtripan ko siya, eh kung magBG na lang ako may mapapala pa ko" nasabi ko sa aking sarili. 


"Sige Fre! MagBBG na lang ako" paalam ko kay Freya. 


At agad akong nagtungo sa BG at nakita ko si Pit~Vull. Di nagtagal ay dumating din si Erik. 


"Oi Pit" bati ni Erik kay Pit. 


"Ikaw ba si Freya?" tanong ni Pit. 


Natawa ako dahil hindi naaalala ni Pit si Freya. Unang beses lang niya itong naalala ang kaso nga lang maling tao hahaha. 


Agad dineny ni Erik ito at kami'y nagsipasok. 


Napagpasyahan naming magdef ni Pit~Vull habang si Erik ay naiwan sa labas. 


Maya maya ay dumating si Rose gamit ang kanyang Whitesmith. Agad ko itong sinaputan para di makagalaw at agad ding nilapitan ni Pit~Vull. Pinagkacart ram ni Pit~Vull si Rose at ito'y kanyang binaon sa lupa sa loob lamang ng isang kisapmata. Ramdam na ramdam ang pagkadurog ni Rose. Hindi nagtagal ay nanalo ang aming team kaya agad naming kinuha ang aming reward at niluwa na ng Tierra BG. 


Paglabas naming lahat ay agad tumambad sa akin ang salitang ito. 


"#%#$^$%$#$@ Whitesmith un" sabi ni Rose na inis na inis. 


"Hahaha Pit durog na durog" sabi ko kay Pit habang tumatawa. 


"Waaa ayaw ko magkaroon ng kaaway" sabi sa akin ni Pit.

Kabanata Labing-tatlo: Ang panghihinayang ni Erik by Pong

Katatapos lang ng isang maaksyon na War of Emperium at nanghingi si Erik ng load kay Rhaz para pang-unyt. 


Agad naman nagpasa ng load si Rhaz kay Erik at biglang nagtanong sa akin. 


"Pong, paano mag-unyt? (An nayt pa ang pagkakabigkas ni Erik)" tanong sa akin ni Erik. 


"Aba malay ko diyan, tanong mo kay Saki" sagot ko sa kanyang tanong. 


At itinanong na nga ni Erik kay Saki at sinimulan na niyang magregister. 


"Ang tagal naman ng confirmation" sabi sa akin ni Erik. 


"Request ka ulit" mungkahi ko sa kanya. 


At agad niya ngang ginawa ngunit sadya talaga atang matagal ang confirmation nang araw na iyon. Makalipas ang isang oras ay natanggap na ni Erik na pwede na niyang magamit ang kanyang Unlicalls Nyt (Anak ng pating magregister na lang kayo ng Unyt20 hirap magtype dito eh). At agad na niya akong tinawagan pati si Saki. 


*Kring* *Kring* ring ng aking cellphone at agad kong sinagot. 


"Teka lang ah icoconference ko lang" sabi sa akin ni Erik. 


Lumipas ang kalahating oras at hindi pa rin maconference ni Erik hanggang nadc na. Ilang saglit ay tumawag ulit siya. 


*Kring* *Kring* muling ring ng aking cellphone at agad kong sinagot. 


"Teka tae ang hirap iconfe" sabi sa akin ni Erik. 


Lumipas na naman ang kalahating oras at hindi pa rin maconfe ni Erik. 


Walangya pakibasa nga ulit ung line 12 magtatype na naman ako. Pagkatapos niyong basahin ay dumerecho agad kayo sa babang line nito. 


"Tae Pong ang hirap talaga teka" sobrang banas na si Erik. 


At makalipas ang ilang minuto ay naconfe niya rin sa wakas. 


"Ayun tae ang hirap mga nakaisang oras ako dun ah" reklamo sa amin ni Erik. 


Nagtawanan kami ni Saki at kami'y nadisconnect. 


Pakibasa ulit ang line 12. 


Mga limang minuto lang ay naconfe na ulit kami ni Erik. 


"Asar talaga nadisconnect naman" muling reklamo sa amin ni Erik. 


Nagtawanan kami ni Saki at pinatawag namin sa kanya si Freya. Agad naman niya itong tinawagan. Makalipas ang ilang saglit. 


"Network Busy eh" sabi sa amin ni Erik. 


"Sige tawagan mo lang, ganyan talaga yan minsan" sabi ni Saki. 


At sinunod naman ni Erik si Saki. Makalipas ang ilang minuto. 


"Ayaw sagutin" sabi sa amin ni Erik. 


"Ahh baka tulog na. Si Caz na lang tawagan mo" sabi ko kay Erik. 


At agad niya nga itong tinawagan at isinali sa confe. Nang kami'y mag-uusap na ay biglang nadisconnect. Maya maya ay nakatanggap ako ng text message kay Erik. 


"@#%$#^#$% naman ang hirap hirap iconfe sabay mapuputol lang. Makatulog na nga lang" sabi niya na labis labis ang pagkadismaya. 


Kinabukasan habang kami'y nakatambay sa Prontera nina Saki, Erik, Freya at Ned. 


"Tae nagsayang ako ng load kagabi ang hirap iconfe naddc pa" pahayag ni Erik. 


"Sabi nga ng mame ko kanina pagkagising ko may tumatawag daw sa akin, Erika ang name baka importante daw. Buti na lang Erika ang nakalagay na name mo dun Erik" sabi ni Freya. 


Nagtawanan kami sa mga pangyayari at napagpasyahang magBG na lang.

Kabanata Labing-dalawa: Ang hiwaga by Pong

Nag-instant message si Saki sa akin sa YM. 


"Pong, sinabi ko kay Nikka na nahack ako" sabi sa akin ni Saki. 


"O?" sabi ko kay Saki. 


"Alam mo kung ano sabi niya" sabi ni Saki. 


"Hindi" tanggi ko. 


"Hala... ayan sabi niya Pong. Mukhang siya nga ang naghack" hinalang sinabi sa akin ni Saki (At hindi na muli pang nagpakita sa amin si Nikka). 


"Ahh" pagsang-ayon ko sa kanya at ako'y nagRO na ulit. 


Kasalukuyan akong nasa BG at cooldown pa din kaya ako'y lumabas muna ng Prontera at nakita sina Freya at Erik. 


Kami ay nagkwentuhang tatlo at maya maya ay naisip ko na magBG. 


"BG na ulit ako" paalam ko sa kanilang dalawa. 


"Teka paano ba yang BG? Sama nga ako" sabi ni Erik sa akin. 


At kaming dalawa nga ay nagBG na at iniwan si Freya na nag-iisa sa Prontera at ito'y tumulala. 


Nakailang rounds kami ni Erik dito hanggang sa tumawag si Freya sa aking cellphone at ako'y nahiwagaan. 


Sinagot ko ang kumikiriring na aking phone at napagpasyahan ng itigil ang pagBBG. 


"Hello" bati ko. 


"Oh hello! Si Erik?" tanong ni Freya. 


"NagBBG pa" sagot ko kay Freya. 


At tinawagan ni Freya si Erik ngunit ito'y binaba ni Erik (Nagmamaganda ha). Nag2nd attempt si Freya ngunit sadyang nagmamaganda si Erik at agad ulit itong binaba (Syempre BG muna bago kaibigan). 


Sobrang inis si Freya na nagreklamo sa amin dahil binababa ni Erik ang kanyang tawag. 


"Okay na sana ung isa eh kaso binaba pa nung pangalawang beses" reklamo sa amin ni Freya. 


"Haha tawagan mo na lang mamaya" mungkahi ko sa kanya. 


Hindi nagtagal ay nagsawa na rin si Erik na magBG at nagsimula ng magpatawag. 


"Tae mo Erik bakit mo binababa kanina?" tanong ni Freya na may halong inis. 


"NagBBG kasi ako eh" sagot ni Erik. 


"Tama ba naman yun" sabi ni Freya kay Erik na hindi tinatablan ng kahit ano. 


Maya maya ay naiba na rin ang usapan hanggang sa humantong na nagsipagsalita ng English ang mga ka-Unyt na sina Saki, Neds at Freya. 


Nagsalita rin ako ngunit hindi nila naintindihan at nagtawanan. Kaya ako ay nanahimik na lamang habang sila ay humihingi ng paumanhin. Agad kong kinuha ang aking charger at chinarge ang cellphone at binaba muna ito sa lapag. 


Makalipas ang tatlumpung minuto at panibagong tawag na ulit ay agad ko itong sinagot. Humihingi pa rin sila ng paumanhin ngunit nanatili pa rin akong hindi umiimik. 


"Sorry na Pong! Sorry na Pong! Sorry na zzzZZZ" paghingi ng paumanhin ni Saki sa akin at biglang nakatulog. 


"Huh! Anong nangyari dun?" tanong ni Freya dahil biglang tumahimik. 


"Malay ko nagsosorry lng eh biglang nawala baka nakatulog na" sagot ni Ned. 


Nagtawanan sila hanggang mapagpasyahan na din ni Ned na matulog. Natira na lang sina Erik at Freya. Hindi nagtagal ay nagsalita na rin ako. 


"Bakit tahimik ka Pong kanina?" tanong ng nag-aalalang kunwari na si Erik. 


"Nagalit ka?" tanong ni Freya. 


"Oo, pero wala na" tugon ko sa kanilang katanungan. 


Kami ay nagkwentuhang tatlo. Hanggang sa maya maya ay kumanta si Freya na ang pamagat ay (Teka bakit kailangan ko pa ilagay ung pamagat eh hindi ko nga alam ung kinanta niya nun eh). 


Nanahimik lamang kaming dalawa ni Erik at nagconcentrate sa pakikinig. 


Maya maya ay natapos na ni Freya ang kanta at kaming dalawa ni Erik ay nahiwagaan sa aming narinig (Kayo rin mahihiwagaan walang halong biro. Promise kahit tumalon pa si Spiderman sa building). 


At napagpasyahan na ni Freya na maligo dahil may pasok pa siya. Iniiwan kami ni Freya ngunit kami'y nagpasya ng matulog ni Erik (Lokong Freya iwanan ba daw ung dalawang lalaki sa phone). 


Kinabukasan pagkaonline ko sa Ragnarok ay agad kong nakita si Erik. 


"Pong! Tae kanina sabik na sabik ako magBG mga ala una pa lang andun na ko, alam mo kung ano meron?" sabi sa akin ni Erik. 


"Walang tao" sagot ko sa kanya. 


"Oo tae" asar na sabi ni Erik. 


At kami'y nagtungo na ni Erik sa BG dahil hapon na nitong mga oras na to kaya may tao na. Pagkalipas ng ilang oras ay nagsawa kami at naisipang tumambay sa Prontera. 


Dito ay nakita namin sina Freya at Mayk na magkatabi at kami ni Erik ay nagpaparinig tungkol sa hiwagang aming natuklasan. Maya maya ay lumipat ng pwesto ang dalawa. 


Pumwesto si Erik dun sa may malaking kariton sa Prontera na paboritong pwesto ni Freya. 


"Ang hiwaga" nasabi niya ng walang pag-aalinlangan. 


"Tae Pong pwesto ka dito mahihiwagaan ka rin" alok ni Erik sa akin at agad akong nagtungo. 


"Ang hiwaga" nasabi ko out of nowhere dahil sa sobrang hiwaga ng lugar na iyon. 


Natawa si Mayk sa aming ginawa habang tinatadtad kami ng tae ni Freya. Ang hiwaga talaga eh.

Wednesday, September 30, 2009

Kabanata Labing-isa: Bonakid, Batang May Laban by Pong


Nakatambay na naman kami sa Prontera at pinagkukwentuhan ang nangyari sa EB.

"Ano ulit ung sabi Pong? Payless" tanong ni Dok sa akin.

"Haha narinig ko din un" sabi ni Ned.

"Sayang di ko narinig" panghihinayang na sabi ni Saki dahil nagCR silang dalawa ni Caz nung sinasabi iyon.

Matapos ang mga chismisang walang kwenta ay biglang dumating si Erik. Nagkayayaan kaming magBiolabs at ito'y narinig ng isang merchant na nagngangalang Biokid.

"Magbabiolabs kayo?" tanong ni Biokid.

"Oo" sagot ko sa kanyang tanong.

"Pwede ba sumama? Bio gagamitin ko" tanong ni Biokid.

"Oo pwede" dali-daling pagsang-ayon ko dahil Bio ang gagamitin niya.

"Sige andun na Bio ko sa Lights" sabi niya sa amin.

Agad akong gumawa ng party na ang pangalan ay "Batang May Laban" at agad isinali sina Dok, Erik, Freya at Saki. At kami ay naghintay ng warper......

....

Makalipas ang tatlumpung minuto.

"Akala ko ba magbabiolabs tayo" sabi ko sa kanila.

"Oo nga naghihintay tayo ng magwawarp sa atin eh" sabi sa akin ni Freya.

"Ay walang mangyayari sa atin dito" panggigising ko sa kanila.

At napagpasyahan naming tatlo nina Dok at Erik na pumuntang Lighthalzen at kukuha ng warp si Erik para sa mga tamad na sina Saki at Freya. Agad kaming nagtungong Izlude at dito na sumakay ng Airship (Tipid kaya dito di ka na ulit magbabayad para sa biyahe sa Lighthalzen)

Makalipas ang ilang saglit ay nakarating na ng Juno ang Airship at kami'y nagsibaba na (Dahil dito ang stop over namin bago ang flight sa Lighthalzen). Dali dali kaming lumabas at pumasok na para sa biyahe sa Lights ngunit si Erik ay lumabas ng tuluyan at nagbayad pang muli para sa biyahe sa Lights.

"Bakit ka pa lumabas eh pwede mo ng kausapin tong isang NPC?" sabi ko kay Erik.

"Haha hindi ko alam eh" dahilan ni Erik.

At kami'y pumasok na ng Airship at umupo muna dahil papunta pa lamang ito ng Hugel. Nagmuni-muni muna kami.

"Tae Erik ayusin mo na ah baka lagyan mo na naman ng Pneuma ung Sniper" pagpapa-alala ko kay Erik.

"Haha bakit nilagyan ng Pneuma ni Erik?" tanong ni Dok.

"Para di mamatay, kakampi niya kasi eh" sagot ko kay Dok.

We are heading to Lighthalzen

"Haha hindi na iyan, tignan mo" pagmamalaking sabi sa amin ni Erik.

We are now in Lighthalzen

Sabay nadisconnect si Erik at kami'y bumaba na ni Dok sa Lighthalzen habang nagtatawanan.

"Haha nadc maiiwan yun" sabi ko kay Dok.

"Oo, tapos iikot na naman haha" sabi ni Dok sa akin.

Maya maya ay nagbalik si Erik.

"Tae nadc naiwan ako" sabi sa amin ni Erik.

Nagtawanan kami ni Dok at sinimulan ng maglakad papuntang savepoint at agad nagsave. Matapos ay nagpalit muna kami ng char para tumambay sa Prontera at sabihin kela Saki at Freya ang sinapit ni Erik.

Natawa ang dalawa sa sinapit ni Erik. Hindi nagtagal ay narating din ni Erik ang Lights at nagsave na dito at sinundo na sina Saki at Freya.

"Asan na si Bonakid?" tanong ko.

"Ewan andito lang daw eh" sagot sa akin ni Freya.

"Wala na siguro yun ang tagal ba naman nating nakatambay sa Pronts eh" sabi ko.

At sinimulan na naming tahakin ang Biolabs level 3. Pagkapasok namin ay naghintayan muna. Maya maya ay lumabas si Biokid gamit ang kanyang Biochem na nakasali sa ibang party.

"Ganda ng party name niyo ah" bati sa amin ni Biokid (Pwede tawagin na lang nating Bona).

"Oo inalay ko pa man din tong party name para sa'yo tapos sasali ka lang pala sa iba" sabi ko sa kanya.

"Ang tagal niyo kasi, sumali na tuloy ako sa iba" dahilan sa amin ni Bonakid (Oo nga naman, tae kasi naghintay ba naman ng warper).

At kami'y nagpalevel na kahit wala si Bonakid dahil andito naman si Dok gamit si Inocencia Binayubay. Maya maya ay may isinali akong Bio ngunit hindi ito nagtagal at agad ding nagleave. Maya maya ay sumunod si Dem gamit ang kanyang High Wizard habang mag-AAFK naman si Erik at pinapilot kay Saki ang kanyang Dream~On.

"Sak, pilot mo nga muna to saglit may gagawin lang ako" mungkahi ni Erik kay Saki.

"Okay" pagsang-ayon ni Saki ng walang pag-aalinlangan.

"Ito user ko hampaslupa at password counter" bulong ni Erik kay Saki (Di ko man nais isiwalat ang username at password mo dito Erik pero para ito sa ikabubuti ng kwento, maya maya lang hack ka na hahaha).

Agad nilog-in ni Saki ang character ni Erik at maya maya ay nag-AFK na din. Dahil sa kami'y pinapahirapan na ng mga halimaw sa Biolabs at walang HP ay naisipan na naming itigil na lang ang kalokohang ito at tumambay at magmeryenda.